Hindi sumasang-ayon si vice presidential candidate Doc Willie Ong sa panawagan ng kanyang running mate na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, para sa isa pang kandidato sa pagkapangulo na umatras sa pagka-presidente dahil naniniwala siyang walang dapat na umatras sa halalan.
Noong Abril 18 sa kanyang FB livestream, sinabi ni Ong na hindi siya sang-ayon sa panawagan ni Moreno na umalis na si Vice President Leni Robredo sa karera, dahil karapatan ng sinuman na tumakbo sa anumang posisyon na gusto niya.

Basahin: Isko Moreno kay VP Leni: ‘I’m calling for Leni to withdraw’
Ang reaksyon ni Ong ay lumabas matapos maupo sa tabi ni Moreno sa press briefing noong Abril 17, kung saan hiniling ng Manila Mayor kay Robredo na gawin ang ‘supreme sacrifice’ ng pag-atras para magkaroon ng mas mataas na tsansa na talunin ang survey frontrunner na si dating senador Bongbong Marcos.
“Dapat ba siya mag-withdraw, (si) VP Leni? Siyempre, ako, hindi. Go siya. Sa akin, go kayo lahat. Go kayo lahat. Walang magpipigil,” wika ni Ong sa kanyang livestream Facebook page.

Sa tingin din niya ay napaka-qualified ni Robredo na tumakbo bilang pangulo, dahil ilang beses nang ipinakita ng Bise Presidente ang kanyang kakayahan.
“Ang sabi ko kay Mayor Isko, pagpasok ko noong September, I will be myself. Hindi ako maninira sa iba. Yung opinion niya, siyempre, hindi ko naman opinion. Iyon yung experience niya. Hindi naman ako kasali sa usapan,” aniya.
“Ano bang honest na tingin ko kay VP Leni? Sa akin, lawyer siya. Magaling siya. Magaling sumagot, matalino. Ito honest (opinion) ko, ha: ‘yung sa Jessica Soho, alam mo yung Jessica Soho interview, 25 issues ‘yun, eh: divorce, lahat, West Philippine Sea. Yung 25 issues na nandun, sinagot ko mag-isa. One hundred percent pareho sagot ko dun kay VP Leni,” dagdag pa ni Ong.

Si Ong ay isa sa limang national candidates na dumalo sa Easter Sunday briefing sa Manila Peninsula, kasama si Moreno, ang iba pang kandidato sa pagkapangulo na sina Senator Panfilo Lacson at Norberto Gonzales, at ang running mate ni Lacson na si Senate President Vicente Sotto III.
Lahat ng mga kandidatong naroroon sa briefing ay nagpahayag ng layunin na tapusin ang presidential race sa gitna ng mga panawagan ng kampo ni Robredo na umatras sila. Gayundin, nagsalitan sina Moreno at Lacson sa pagbatikos sa Bise Presidente — kung saan sinabi ni Moreno na nadungisan ang mga survey kung saan pumapangalawa si Robredo kay Marcos.
Panoorin ang kanyang video:
Basahin: Pacquiao ‘di suportado ang panawagang ‘withdraw Leni’; Gonzales nag-sorry na rin kay Robredo