Doc Willie Ong pinakiusapang umatras sa pagtakbo bilang Bise presidente; ‘Ano ako, sira ulo?'

Inihayag ni Doctor Willie Ong noong Abril 23 na may nagtangkang magsalita sa kanya na umatras sa pagka-bise presidente.

Sa kanyang Facebook livestream, sinabi ni Doc Willie na may nagsabi sa kanya na mag-withdraw sa halalan para suportahan ang isang kandidato.

Ang running mate ni presidential candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay nagsabi na may bumisita sa kaniya noong Disyembre 2021 ngunit ang pangalan ay hindi na niya binanggit.

“Ang sabi sa akin, two weeks before election meron daw siyang pakiusap sa akin. Ang pakiusap daw n’ya, sabihin ko daw, na aatras ako? Ano ako, sira ulo? Sabihin ko daw aatras ako tapos susuportahan daw ‘yung isang kandidato,” ani DocWillie.

Sinabi rin niya na may inalok ang hindi pinangalanang tao kapalit ng kanyang pag-withdraw.

“Sabi ko, anong pinagsasabi ng taong to? O mamaya sasabihin niya, ‘Pag ginawa mo ‘yan, Doc, Ok ka na, sa ‘yo na ang DOH, sa ‘yo na ang 2025 Senator, ipi-print pa kita t-shirt, malamang may budget ka pa,’ ‘yan style eh,” aniya.

“Alam ba to ng boss n’ya o gawa-gawa lang niya? I will not speculate. I will not speculate, alam mo naman hindi din ako maninira, hindi ko din sasabihin kung sino. But the point is, the point is, ganoon ang galawan,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ni Doc Willie na hindi siya aatras sa pagka-bise presidente. Hindi raw niya pababayaan ang kanyang mga followers.

Matatandaan na hindi rin sumasang-ayon si Doc Willie sa panawagan ng kanyang running mate na si Isko, para sa isa pang kandidato sa pagkapangulo na umatras sa pagka-presidente dahil naniniwala siyang walang dapat na umatras sa halalan.

“Ang sabi ko kay Mayor Isko, pagpasok ko noong September, I will be myself. Hindi ako maninira sa iba. Yung opinion niya, siyempre, hindi ko naman opinion. Iyon yung experience niya. Hindi naman ako kasali sa usapan,” aniya.

Basahin: Doc. Willie Ong hindi sang-ayon kay Isko, ‘Nobody should have been asked to withdraw’

Post a Comment

Previous Post Next Post