Hinahangaan ng mga netizens ang talento ng isang residente ng Iloilo City na nagpakita ng kaniyang husay sa mannequin dance moves.
Si Romelyn Rose Acebuche, na mas kilala bilang “Robie Doll” sa Tiktok, ay maraming nang mannequin dance videos kung saan ilan sa mga ito ay humahakot ng milyon views.
Sa ulat ng GMA News, sinabi ni Romelyn na masaya siya dahil bukod sa pagkakaroon niya ng pagkakataong maibahagi ang kaniyang talento online, nakilala at nakipagkaibigan din siya sa ilan sa kaniyang mga idolo sa TikTok.

Sinabi rin niya na mula noong high school pa lamang raw ay sinimulan na niyang magsayaw ng robotics o mannequin dance moves at ngayon, apat na taon na niya itong ginagawa.
Sa viral video, makikita na sumasayaw ng pang-mannequin moves si Romelyn na nakasuot pa ng Barbie dress na talaga nga namang nagmukha siyang isang mannequin.
Ang video ay humakot ng higit 20.7M views, 2.3M hearts, at halos 14k na libong komento as of writing.
Sa isa pang video ay sinayaw nman niya ang “My Name Is” ng D Billions kung saan humakot naman ito ng 14.9M views at 1.5M hearts.
Maraming netizens naman ang napahanga at naaliw sa kaniyang talento.
May nagsabing nakakatakot daw ang galaw at ang mga mata nito kapag tinitigan.

“Maganda s’ya pero pag tinitigan mata n’ya nakakatakot may something, para s’yang may sanib. Opinyon ko lang ‘yon pero pretty s’ya.”
“Kakaaliw. Very unique selling skills kanya kanyang diskarte para sa ekonomiya..bravo…she really looks like a doll.”
“Galing mo talaga lodz. Astig ng da moves mo. Sana kamukha mo baby ko pgalabas mukhang doll talgang Buhay.”
“Magaling po s’ya pero grabe takot ko sa galaw n’ya, honestly kapag nakikita ko s’ya sa tiktok scroll up na po ako.”
Panoorin:
@.robieee Got this dress from : @doubletapclothing 😍 dc: ctto #robie #fyp #doll #trending ♬ Wasted Slowed – Kuya Magik
