Nakamit ng mag-ama ang pangarap nilang magingabogado nang makapasa sila sa 2020-2021 Bar Examination. Nakilala ang ama na sina Bernardo Belarmino at Marie Bernardine Belarmino.
Inilabas ng Supreme Court noong Abril 12 ang resulta ng 2022 bar exams kung saan parehong nakapasa ang mag-ama na nagmula sa Barangay Bonga, Bacacay, Albay.
Tinapos ni Daddy Bernardo ang kanyang law degree sa University of Santo Tomas College of Law sa Legazpi noong 1991. Sa wakas ay nakapasa siya sa Bar pagkatapos ng pitong pagsubok.

Samantala, natapos ang anak niyang si Bernardine ang kanyang law degree sa parehong unibersidad noong 2020. Naipasa niya ang Bar exam sa kanyang unang pagsubok.
Hindi magkasama ang mag-ama nang malaman ang resulta ng bar exam.
“Umalis po ako ng bahay while waiting for the result. I just wanted to be alone during that time. Naglakad lakad lang po ako tapos nung napadaan ako sa church dun ko na lang po napili mag-stay and nag-pray na lang din po ako while waiting to calm my anxious mind. And while nasa loob ako ng church, dun ko na nakita yung result ng bar exam,” wika ni Bernardine.
“Sobrang happy po nang malaman ko na nakapasa ako and si papa. Umiyak po ako nung nalaman ko po na pumasa ako. I was hoping and praying na pumasa po pero hindi ako 100% confident na papasa. Almost 2 years po namin ‘to hinintay since grabeng postponements because of the pandemic. Ang dami na din po namin struggles na pinagdaanan. Grabeng anxiety po because of the pandemic and nag-adjust din po sa online set up ng review. May mga financial constraints din po. Grabe gratitude lang po talaga na nakapasa kaya ako napaiyak,” aniya pa.

“Nung makita ko yung pangalan namin, nagsigawan kami, napaluhod ako sa altar kasi sympre sa Panginoon ang una nating pasasalamatan. Napaiyak ako kasi sabi ko nagbunga yung pagsisikap ko after several attempts. Kung nawalan ako ng pag-asa, hanggang dyan na lang ako. Napakalaking blessing itong binigay sa amin ng Panginoon. May covenant with the Lord is that hindi ko talaga sasayangin itong opportunity na ibinigay sa amin. Talagang papangalagaan ko bilang isang abogado,” ani Bernardo sa ABS-CBN news.
Ayon pa kay Bernardine, bata pa lamang siya ay pangarap na talaga niya ang maging isang abogado katulad ng kanyang ama na nagsilbing inspirasyon para magsumikap na maabot ang pangarap.

May time rin daw na pinanghihinaan siya ng loob para ipagpatuloy ang pag-aaral sa law school.
Si Bernardine ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang staff sa isang law office.
Samantala, 31 taon nang nagtatrabaho ang kanyang ama sa Department of Agrarian Reform. Sinabi niya na plano ng kanyang ama na tapusin ang natitirang tatlong taon sa serbisyo bago magretiro at magpraktis ng abogasya.