Ina ni Francine Diaz umalma nang madawit muli ang anak sa lumabas na live video ni Andrea

Ang ina ni Francine Diaz na si Merdick Saenz Diaz ay nagsalita kasunod ng paglabas ng live video ni Andrea Brillantes.

Ayon kay Merdick, hindi porke’t hindi sila nagsasalita ay okay lang sa kanila na nadadawit ang pangalan ng anak sa mga isyu.

Umalma ang ina ni Francine nang muling nasama ang aktres sa pahayag na inilabas ni Andrea gayong nananahimik naman umano ang kanyang anak.

Basahin: Andrea Brillantes nagbigay ng pahayag, ‘I would like to address each issue one by one, so please bear with me’

Ibinahagi ng Showbitz and more sa Twitter ang screenshot ng post nito; “Ina ni Francine Diaz, umalma kasunod ng live video nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin,” nakasaad sa page.

“Nananahimik anak ko tigil-tigilan mo na anak ko, manahimik ka na’wag mo ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo!!! ayon kay Merdick.

Aniya, hangga’t maaari ay ayaw niyang pumatol dahil nananahimik umano sila para walang gulo. Gayunpaman, ang kanilang pananahimik ay hindi umano nangangahulugang ayos lang sa kanila na madamay muli si Francine sa isyu.

“Baka magkaalaman tayo hangga’t maaari ayaw ka patulan! Puro pang-unawa at pagpaparaya ang binigay sayo ng anak ko, namin alang-alang sa ikatatahimik ng lahat sa tuwing nababash ka, kayo lagi ninyo dinadawit ang anak ko. Hindi porket hindi kami sumasagot at kumikibo, hindi ibig sabihin na OK LANG SA AMIN!! WAG AKO ANDREA BRILLANTES!” gigil na sinabi ng ina.

Ang nasabing post ay burado na ngunit nagpost muli ang ina ng aktres sa FB wall nito.

“Bilang isang magulang nasasaktan din kami sa mga sinasabi n’yo na hindi maganda sa anak ko. Kaya pumutok na ako ng ganito dahil hindi ko kinaya na siguro naman naintindihan n’yo bilang isang ina maging happy na lang tayo salamat sa taong nagpa kalma sa akin at mas maraming bagay na dapat ipagpasalamat namin,” ani Merdick.

Basahin: Seth sa relasyong Andrea-Ricci: ‘Happy po ako, wala po akong anything negative na nararamdaman’

Idinepensa naman ni Seth si Andrea sa bashers at nagsabing hindi siya nagsasalita para sa kanyang sariling kapakanan kundi para protektahan ang kanyang matalik na kaibigan.

“Guys, kasi yung mga nababasa ko, parang unfair po. Napaka-unfair dahil wala po kayong alam. Unfair po para sa kaibigan ko na makabasa at makarinig ng mga salita na wala po tayong karapatan na banggitin. Kahit po ako, wala pong karapatan magbanggit ng mga ganoong salita,” aniya.

Post a Comment

Previous Post Next Post