Frankie Pangilinan naging emosyonal dahil nami-miss ang kaniyang pamilya sa Pilipinas

Nagpunta si Frankie Pangilinan sa comment section ng IG post ni Sharon Cuneta kung saan nag-post ang ina ng ilang recent family photos.

Si Frankie, na nasa U.S. sa ngayon, ay nagkomento na nami-miss niya umano ang pamilya.

“I MISS MY FAMILY.”

“STOP.”

“I’M CRYING.”

“I LOVE YOU SO MUCH.”

Ibinahagi kasi ng aktres na si Sharon sa kaniyang Instagram account ang surpresang pagbisita ng pamilya niya sa set ng matagal nang serye ng ABS-CBN, ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Nag-upload din si Sharon ng video kung saan ipinakita ang pagbisita ng kanyang mga anak na sina Miguel at Miel at asawang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa Ilocos kung saan kinukunan ang action drama.

“Sorry I used a make-up filter kasi ang putla ko! Tuloy, NAMAKEUP-AN KO PATI ASAWA KO AT ANAK KONG LALAKI! Hahahaha!” aniya.

“Surprise visit of my family in Ilocos today!!! Am soooo happy!!’ Thank You, Jesus! They have to fly back to Manila before sunset today, though. That’s okay. Will be home with them soon!”  dagdag pa niya.

Base sa mga larawan nina Sharon, makikita kung gaano talaga kalapit ang pamilya ng Megastar at ng Senador.

Ang pagbisita ng kaniyang pamilya ay talagang nagpasaya sa kanya, ngunit ipinahayag din niya ang kanyang pananabik sa mga ito lalo na noong malapit na silang umalis.

“And then they had to go,” saad ni Sharon na may sad emoji. Naka-tag naman dito si Frankie.

 

Ang pagiging malayo at hindi nakikita ang pamilya sa mahabang panahon ay tiyak namang nakaaapekto sa emosyon. Kaya hangga’t nandiyan pa sila ay atin silang bigyan ng pansin at halaga.

Sa kaniyang pinakabagong post sa Instagram ay binati naman ni Sharon ang kaniyang panganay na anak na si KC Concepcion sa kaarawan nito na ngayon ay nasa 37-anyos na.

Post a Comment

Previous Post Next Post