Ice Seguerra naispatan ang kaniyang ina na nagkomento sa isang FB post kaugnay sa 'ex'

Hindi napigilan ni Ice Seguerra na mag-react ng “haha” sa komento ng kaniyang mommy sa isang Facebook post.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ice ang isang screenshot na nagpapakita ng FB post na nagsasabing: “ung biglang nag-message ang ex mo ‘mahal pa rin kita’ anong irereply mo?”

Sa comment section nito ay naispatan ni Ice ang komento ng kaniyang ina, aniya, “Neknek mo sabay tawa.”

“Itong nanay ko, ang active mag comment. Haha!” ani Ice sa kaniyang caption.

Ang ilang netizens naman ay nakitawa sa comment section at naaliw sa ina ni Ice.

“Naku sasabihin ko na “Che!!! di na kita mahal haha kidding aside, depende siguro kung paano ang naging hiwalayan n’yo noon.”

“Whhahahaha goodvibes si mother.”

“Ibang klase mag comment si Nanay Caring!”

Matatandaan namang nakikipaglaban si Ice sa depresyon. Noong Pebrero 21 ay nagpahayag ang singer na 17-taon na siyang nabubuhay sa depresyon. Sinabi rin niya ang katotohanang may mga pagkakataong hindi siya nagiging okay.

“Living with depression for almost 17 years now, I’ve come to accept that this will be my life from here on. With acceptance comes embracing the fact there will be days, weeks, or months that I won’t be okay, without really understanding why. But I also know that it will pass. That one day, I can be myself again. Just feeling and enjoying life,” ani Ice.

“It is a roller coaster ride. Sa totoo lang, minsan, nakakapagod. Sometimes, bad days will outnumber my good days but despite that, the joy of one good day is worth all the struggle,” dagdag pa niya.

Nagpaalala ang singer-actor sa social media na manatiling matatag ang mga taong nahihirapan sa depresyon na tulad niya.

Pinaalalahanan din niya ang mga nakararanas ng mental health issues na humingi ng propesyonal na tulong, makipag-usap sa kanilang mga mahal sa buhay o mga kaibigan na masasandalan kapag napanghihinaan ng loob, at huwag susuko.

Basahin: Ice Seguerra sa pakikipaglaban sa depresyon, ‘Life is still worth the fight’

Post a Comment

Previous Post Next Post