True Faith 4 na beses tinanggihan ang alok para magtanghal sa UniTeam - Medwin

Apat na beses raw inalok ang True Faith para magtanghal sa UniTeam pero lahat ito ay tinanggihan nila, ayon sa frontman ng banda na si Medwin Marfil.

Dagdag pa ni Marfil sa kaniyang Twitter post, ang performance nila ay babayaran, taliwas sa sinasabi ng ilang celebrity supporters ng UniTeam na libre ang kanilang mga appearances.

Ginawa ni Marfil ang paglalahad bilang sagot sa naging pahayag ng komedyanteng si Eric Nicolas na nagtatrabaho siya para sa UniTeam nang walang bayad at bilang pagtanaw lang ng utang na loob.

“Not believable. Kahit na nag-declare na kami na #KakamPink ang #Truefaith we’re still being offered to play sa for Baby M.,” ani Marfil sa kaniyang tweet na ang tinutukoy sa huli ay si Bongbong Marcos.

“When we were in Borongan, our manager got a call asking if we’d play for Unitik-tik (UniTeam). Pang 4 na ata na offer yun. We refused, of course. May bayad powh,” dagdag pa ng singer-songwriter ng bandang nagpasikat ng kantang ‘Perfect’ at marami pang iba.

Kung magugunita, unang sinabi ni Eric Nicolas na ‘trabaho’ lang para sa kaniya ang pagtanghal sa campaign sorties ng UniTeam subalit binawi niya ito kinalaunan at sinabing libre ang kaniyang serbisyo bilang tagasuporta ni Bongbong Marcos.

Maging sina Elizabeth Oropesa at Toni Gonzada ay iginiit rin dati na silang mga artistang nakikita sa mga rally ni BBM ay hindi bayad.

“IPAPUPUTOL ko ‘yung dalawa kong paa. Gagapang na lang ako kung binabayaran kaming mga artista kay BBM!” wika ni La Oropesa sa isang panayam.

“Simula po nung tumayo ako sa entablado kasama ang Uniteam, ang tawag ng lahat, bayad daw po ako. Bayad po ba kayo,” sigaw naman ni Toni sa isang rally ng UniTeam sa Cavite noong nakaraang buwan.

Maliban kina Elizabeth Oropesa at Toni Gonzaga, ilan pa sa mga celebrities na sumusuporta sa tandem nina Bongbong Marcos at Inday Sara ay sina Andrew E., Randy Santiago at Ai Ai delas Alas at iba pa.

Post a Comment

Previous Post Next Post