Gary Valenciano posibleng samahan ang anak na si Gab sa rally nina Leni-Kiko

Nag-tweet si Gary Valenciano at sinabi kay Gab Valenciano, na kaniyang anak, na malapit na niyang makasama ito sa entablado. Inilakip pa niya ang isang video ng performance ni Gab noong rally sa Bataan.

“Soon I’ll be with you on that stage son!!! @gabvalenciano @lenirobredo @kikopangilinan,” aniya sa kaniyang caption matapos mag-viral ang video ni Archie Alemania kung saan ginaya nito ang performance ni Gab.

Nangampanya na si Gary para kay VP Leni sa U.S. at nag-viral din ang isang video niya kung saan siya ay sumasayaw at kumakanta na ikinatuwa ng mga tao sa U.S.

Si Archie Alemania, isa sa mga artistang nagtanghal sa UniTeam rally ay ‘ginaya’ umano ang dance moves ni Gab sa kanyang performance sa Bataan rally bilang pangkatatawanan.

Sa una ay nakayuko siya, tulad ni Gab, at hinihikayat ang mga tao na isigaw ang mga pangalan ng mga kandidato ng UniTeam. Pagkatapos ay nagsimulang sumayaw ang Pinoy actor na katulad ng dance move ni Gab.

Matatandaan na ipinagtanggol nina Angeli Pangilinan at Gary ang kanilang anak na si Gab na umani ng batikos online dahil sa pagsuporta kay presidential bet vice president Leni Robredo at running mate na si Kiko Pangilinan.

“To trolls & insensitive netizens who are bashing my son @gabvalenciano for believing in the #LeniKiko tandem. It took years for him to bounce back from his mental breakdown some years back so I am warning u to please STOP YOUR CYBER BULLYING & bashing our son. God bless you,” nakasaad sa post ni Angeli.

“I stand with you in this hon. And son? No matter how much you’ve been bashed…rain or shine you also have inspired countless with your stand. Continue to reflect the character of those you stand for and let the bashers reflect theirs. I love you so much @gabvalenciano,” ayon naman kay Gary.

Basahin: Angeli, Gary Valenciano ipinagtanggol ang anak na si Gab sa mga bashers.

Post a Comment

Previous Post Next Post