'Mananalo na ba pag mayroong dalawang Miss U?' - Cristy Fermin

Prangka na inilabas ni Cristy Fermin ang kanyang saloobin sa mga isiniwalat nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray na sinusuportahan nila ang presidential bid ni Vice President Leni Robredo.

Sa episode ng Cristy Ferminute, sinabi ng beteranong showbiz reporter na may karapatan ang dalawang beauty queen na pumili para sa kanilang mga bet na kandidato pero wala umanong kinalalaman ang kanilang tangkad bilang Miss Universe title-holders.

“Eto na, sumali na nga rin sa pulitika. Nagpahayag na rin si Catriona Gray at si Pia Wurtzbach na sila ay Kakampink.”

“Lahat tayo ay mayroong kalayaan na pumili ng kung sino ang para sa atin ay dapat maluklok. ‘Yung demokrasya, pinaiiral po ngayon ‘yan, lagi-lagi, inuunawa ko. Kaya lang ang tanong, kapag may dalawang babae ba, dalawang beauty queen sa isang partido, mata-translate ba ‘yun sa boto? Oh, ‘di ba? Sabihin n’yo, mananalo na ba kapag mayroong dalawang Miss Universe?”

“Wala po ‘yan sa pagandahan. Wala po ‘yan sa pasikatan. Ang lahat po ng pinapangarap ng mga politikong tumatakbo ngayon, nakasalalay po sa kamay ng sambayanang Pilipino,” dagdag pa niya.

“Maiintindihan mo naman ‘yung kanilang paliwanag, lalo na si Catriona. Napakaganda niyang magsalansang ng mga salita. ‘yung hindi ka mabwi-bwisit kasing ganda niya.”

Nagbahagi kasi si Catriona ng isang video kaugnay sa kung bakit si Leni ang kaniyang presidential bet. Pinamagatan niya lamang ito ng “Pinuno: Para Sa Bayan”.

At noong Abril 13 ay naunang ibinahagi ni Pia sa kaniyang Instagram account ang pagkandidato para rin kay VP Leni.

“As a first time voter, I must say that it felt so good to vote today. Emotional actually. May halong excitement & relief that I finally took my stand. Shading that little black dot felt like I was finally making a choice towards our future. I know I’m only 1 person. Only 1 vote out of millions but every vote counts,” aniya.

“Today, I am even prouder to have voted for Leni to be our next President. I’m sharing this with you dahil naniniwala ako sa kakayahan ng isang babae. Naniniwala ako at naninindigan ako para kay Leni,” dagdag pa niya.

Panoorin naman ang pagbabahagi ni Cristy Fermin:

Post a Comment

Previous Post Next Post