Gerald Anderson sinurpresa ng bagong motorsiklo ang kanyang PA na nag-birthday

Tinupad ni Gerald Anderson ang pangarap na bagong sasakyan ng kanyang personal assistant (PA) na si Jalal Laidan sa mismong kaarawan nito.

Sa Instagram, ibinahagi ng Kapamilya actor ang isang video kung saan sinurpresa niya si Jalal gamit ang isang motorsiklo bilang regalo sa espesyal na araw ng kanyang PA.

“Matagal na niyang pangarap ‘yan so pagbibigyan naman natin siya,” sabi ni Gerald sa video.

Tuwang-tuwa at pumalakpak sa saya si Jalal matapos makita ang bagung-bagong motorsiklo. Niyakap niya nang maraming beses si Gerald nang matanggap ang regalo mula rito.

Sinubukan na rin niya itong i-test drive at masayang niyakap muli ang aktor.

“Bro naka motor na ako!” tumatalon sa tuwa si Jalal.

“Marami salamat sa lahat po! Dream come true! thank you so much my boss my brother!” nagpasasalamat na ipinost niya ito sa kanyang IG at tinag ang aktor.

Marami ang bumati at natuwa sa Personal Assistant ni Gerald dahil bakas sa mukha nito ang kaligayahan nang matanggap ang regalo.

“Nice one lal!! Congrats bro well deserved.”

“Nakakatuwa si Jalal, sobrang saya nya kuya salamat kuya sa pagiging generous @andersongeraldjr more blessings to come.”

Matatandaang sa isang panayam sa Magandang Buhay ay ibinahagi ni Jalal kung paano nagbago ang kanyang buhay nang magtrabaho siya kay Gerald.

“Malaking tulong po kasi lagi akong sumasama sa kanya, dati po akong tambay-tambay lang,” ani PA.

Panoorin:

Basahin: Julia Barretto nagbahagi ng birthday message para sa BF na si Gerald Anderson

Kamakailan ay ipinagdiwang ng aktor ang kanyang kaarawan at nagbahagi ang kasintahang si Julia Barretto ng maikli ngunit sweet na birthday message.

Minarkahan ni Julia ang espesyal na araw ng aktor sa pamamagitan ng pag-upload ng mga larawan nilang magkasama.

“Happy birthday my love, my best friend,” ayon sa post na ibinahagi ng aktres sa IG.

Samantala, abala na rin ang aktor sa bago nitong teleserye na “A Family Affair” kasama sina Ivana Alawi at Sam Milby.

Post a Comment

Previous Post Next Post