Harry Roque kay Ai-Ai delas Alas, 'Hindi mawawala ang iyong prangkisa'

Tiniyak ni dating presidential spokesperson at senatorial candidate Harry Roque noong Abril 23 sa showbiz personality na si Ai-Ai delas Alas, na sumusuporta sa UniTeam, na ang kaniyang home network ay hindi mawawalan ng broadcast franchise.

“Ate Ai, hindi ka nagkamali ng sinamahang grupo. Hindi mawawala ang iyong prangkisa,” ani Harry matapos siyang ipakilala ni Ai-Ai sa rally ng UniTeam sa Manila City.

Si Ai-Ai, na lumalabas sa GMA 7 shows nitong mga nakaraang taon, ay nagho-host ng campaign event, kasama ang komedyanteng si Bayani Agbayani, para sa ticket ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice presidential bet Mayor Sara Duterte- Carpio.

Dati siyang lumalabas sa mga programa ng ABS-CBN Network.

“Kaiba ang ating meeting ngayon kasi sa kauna-unahang panahon, meron tayong bagong host. No’ng una ko siyang nakita, ang sabi ko, ‘Bakit naging mas maganda pa si Toni G?’ ‘Yun pala, siya si Ai-Ai Delas Alas. Palakpakan po natin,” aniya.

Ang pagtanggi sa prangkisa ng ABS-CBN ay nangyari pagkatapos ng paulit-ulit na pag-atake ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa network, kabilang ang isang deklarasyon noong Disyembre 2019 na “see to it that you’re out.”

Inalis ng mga Government regulators at iba pang opisyal ang ABS-CBN dahil sa mga alegasyon ng pandaraya sa buwis at mga paglabag umano sa foreign ownership restrictions sa mass media.

Ang pagsasara ng broadcast operations ng ABS-CBN ay nagresulta sa libu-libong manggagawa na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Inamin din ni Harry na ang pagtanggi sa prangkisa ng  ABS-CBN ay nag-iwan ng “void in public messaging”.

“Mayroon po bang malaking kawalan dahil hindi nabigyan ng franchise ang ABS-CBN? Aaminin ko po, mayroon po. Nalulungkot po ako na dumating sa punto na hindi po na-renew ang prangkisa,” ani Harry sa Malacanang Press noong Hulyo 2020.

Post a Comment

Previous Post Next Post