Ilang Kapamilya at Kapuso nag-react sa kasunduang pagpapalabas ng GMA ng mga pelikula ng Star Cinema

Dalawang TV network ang nagsanib-puwersa kung saan magsisimulang ipalabas ang mga pelikula ng Star Cinema sa GMA Network bilang bahagi ng historic deal sa ABS-CBN.

Pumirma ang GMA Network ng deal sa ABS-CBN para sa pagpapalabas ng mga pelikula ng Star Cinema sa mga local channel nito simula nitong Abril.

Ang partnership ay ginawang opisyal sa pamamagitan ng virtual contract signing ceremony noong Abril 5.

Dinaluhan ito ng mga executive mula sa magkabilang network, kabilang ang GMA president at COO Gilberto Duavit, ABS-CBN Chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, at COO for Broadcast Cory Vidanes.

Ilang Kapamilya at Kapuso celebrities naman ang nag-react sa pag-air ng GMA ng mga pelikula ng Star Cinema.

Binigyang-diin ng award-winning na aktor na si John Arcilla ang kanyang pagmamahal para sa GAMBAS (isang pinagsamang acronym para sa dalawang network).

Sa kaniyang Instagram post, aniya, “bring the ‘fan-thinkings’ into a new level. That everyone can be friends for the better and for everyone’s advantage. That there is no point of hating each other since the people we’re trying to fight for can actually agree and befriend each other.”

Nag-post naman ang comedienne at host na si Eugene Domingo sa Instagram story na may makulay na GIF na nagsasabing “NICE WORK.”

Samantala, ni-repost ng dating Kapamilya-turned-Kapuso na si Kuya Kim Atienza ang Instagram post ng GMA ng virtual contract signing at nilagyan niya ng caption na “The force field is broken.”

Inilarawan din niya ang partnership bilang “the beginning of many beautiful things to come.”

[Basahin: Kapuso at Kapamilya, mga pelikula ng Star Cinema mapapanood na sa GMA]

Sa panayam ng PEP Ph, sinabi ng Tanging Ina star na si Ai-Ai delas Alas na natutuwa rin siya nang marinig ang deal.

“Masaya ako sa partnership ng GMA-7 at ng ABS-CBN dahil mapapanood na sa Kapuso channel ang mga pelikula ng Star Cinema. Masaya rin ako dahil may chance na ang mga Kapuso na mapanood ang mga pelikula ko noon,” aniya.

Nabanggit rin niya ang kalagayan noon. “Sana maging simula na ito para mawala na ang network war kasi noong araw naman, lahat ng mga artista, nakakatawid sa lahat ng mga television station hanggang magkaroon nga ng network war.”

Umaasa siya na wawakasan na ng pagsasanib-pwersa ang tinatawag na ‘network wars.’

Post a Comment

Previous Post Next Post