Sa panayam kay Herlene ay inilahad niya kung bakit siya sumali sa Binibining Pilipinas.
Tinanong siya tungkol sa kanyang buong pangalan na ‘Herlene Nicole Budol’. Nagpahayag ang Kapuso star na lalaban siya bilang si Nicole.
“Ang tawag kasi sa akin dati sa school Budol, tapos sa amin ang palayaw ko is Herlene, sa TV naman Hipon, ngayon si Nicole naman po dito sa pageant ng Binibining Pilipinas,” pagbabahagi ni Herlene pagkatapos ng kaniyang final screening.
Dagdag pa niya, naninibago raw siya na tawagin sa pangalang Nicole.
“Naninibago po, pero alam ko pong ako po talaga iyon. Ayun po kasi ang totoo ko talagang pangalan, Nicole Budol po.”

Nauna nang sinabi ni Herlene na plano niyang magsalita sa tagalog sa mga Q&A segments.
Ngunit ibinahagi niya rin na sa pakikitungo niya sa kapwa kandidato na si Anna Valencia Lakrini, isang Filipino-German beauty queen na nakapasok din sa Top 40, na sa tuwing nag-uusap sila ay nagsasalita si Anna sa wikang tagalog habang nagsasalita naman siya sa Ingles.
Tinanong naman si Herlene kung ano ang purpose nito sa pagsali sa Binibining Pilipinas.
“Para po mas marami po akong maimpluwensiyahan na maging role model po ako sa ibang tao. Kagaya po sa mga followers ko na naka-support lang po sa’kin, na hangga’t may buhay po, may pag-asa. Hindi porke’t galing ka sa ilalim, hindi ka na makakabangon.

Samantala, nagpasalamat naman si Herlene sa mga taong pumili at naaliw sa kaniya.
“Salamat sa Organization ng Binibining Pilipinas at sa panel of judges ng audition sa pagpili at naaliw sa akin. Pangako ni Hipon girl na pagbubutihin itong oportunidad na patimpalak linaan sa akin ni Papa Jesus. Gusto ko maging Spokesperson sa Advocacy kong Autism Awareness and Detection para sa mga bagong henerasyon dahil naniniwala ako na children are our future. Ako nga pala si Nicole Budol also known as Herlene Hipon at magbibigay ako ng Kasabihan for Today: Ang batang panatag ay nag Promil. And I….Hipon.”

Maraming netizens naman ang sumuporta kay Herlene.
“Lahat nag follow kay Nicole Budol, pray at suportado hanggang dulo laban lang andito kami lahat love you, herlene budol.”
“I will be rooting for you! Sana lakasan mo yung boses mo sa advocacy mo. I will be praying for you! Kailangan madinig ng marami ikaw. Go Nicole Budol.”
“Go girl Herlene. congrats.. iba talaga kapag puso ang ilalaban ipapanalo mo kaagad. daming nagmamahal at sumusuporta sa yo..goodluck.”
Ibinahagi ng PEP ang nakatutuwang video nila ni Anna: