Nagbanta ang talent agency ng GMA na magsasagawa ito ng legal na hakbang laban sa mga nagpakalat ng diumano’y pekeng larawan ng Kapuso hunk.
Sa isang pahayag na inilabas ng Sparkle GMA Artist Center, na siyang humahawak sa career ni Alden, binago umano ang naturang larawan para palabasing walang suot na kahit ano ang aktor.

“It has come to our attention that a photo of our artist, Mr. Alden Richards, appearing to be unclothed, is circulating online,” ayon sa talent agency.
“We wish to inform the public that the said photo is fake and digitally altered using a picture that Richards posted on his social media account months ago,” dagdag na pahayag nito.
Hindi nabanggit sa naturang pahayag kung aling larawan ni Alden ang pineke subalit ayon sa Bandera, ito ay ang edited photo umano ng binata na kinuha sa kaniyang Instagram account na ibinagi noong nakaraang Enero pa.

Ito raw ay kuha sa loob ng isang banyo at sa orihinal na larawan ay naka-shorts pa ang aktor subalit sa edited photo ay wala na itong damit.
Dahil dito, nagbanta ang Sparkle na sasampahan nila ng reklamo ang sinumang gumawa at nagpakalat ng naturang larawan.
“Mr. Richards is a role model for many people and we strongly condemn perpetrators of malicious activities related to our artists, including the spreading of groundless information and defamation,” wika ng talent agency.

“GMA strongly denounces criminal use of social media. We will be seeking legal recourse against those involved in the posting and sharing of this fake photo as well as those posting libelous comments on said photo,” dagdag pa nito.
Hinimok rin ng GMA ang publiko na patuloy na maging mapagmatyag laban sa pagpapakalat ng mga ‘fake news’ at maging maingat bago magbahagi ng mga larawan.
Samantala, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang kampo ni Alden Richards hinggil dito subalit makikitang ni-like nito ang post ng Sparkle.