Walang duda ito. Si Neri Miranda ay talagang mahal ang asawang si Chito Miranda.
Sa pagbabahagi ng larawan ng Parokya ni Edgar singer sa Instagram, sinabi ni Neri na lalo pang nagiging gwapo ang kanyang asawa habang lumilipas ang panahon.
“Habang tumatagal, pa-gwapo nang pa-gwapo sa mga mata ko ang asawa ko. Wala na eh. [In love na] masyado kaya biased ako sa kagwapuhan. Para sa akin, tinalo niya si Richard Gutierrez at Papa P,” ayon sa post ng aktres.

“Oo, baka nga may diperensya mata ko eh anong magagawa ko, [in love] talaga ako sa asawa ko,” dagdag pa niya.
Sadyang ganun talaga kahit hindi kagandahan sa paningin ng iba ngunit para sa mga mata natin ay maganda o gwapo sila sa atin. Talagang ganyan kapag tunay kang nagmamahal.
“Mangingisda raw sya this week pang ulam namin (goodluck kung may mahuli). At least masusubukan na yung boat namin,” aniya pa.

Marami namang mga followers ang pumuso sa post ni Neri at sinabing sweet talaga na asawa ang aktres.
“Ang sweet mo naman Mrs Miranda kakakikilig (wah me kasi asawa na lambingin ng ganyan) super Lucky ni Mr Chito sayo maabilidad ka na sweet masipag wais na misis pa!”
Sa kuha, nakita si Chito na sakay ng kanilang yate na ipinakilala ni Neri bilang “Margarita” sa kaarawan ng kanyang asawa noong Pebrero. Sinabi ni Neri na plano niyang mangisda para sa kanilang pamilya ngayong linggo.

Basahin: Neri surprises husband Chito with a birthday gift, and it’s a yacht
Bukod sa condominium unit nila sa Pico de Loro, available na rin ang yate na paupahan para sa kanilang mga bisita.
Naging consistent sina Neri at Chito sa pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa sa social media. Noong Valentine’s Day, sinabi ni Chito na hindi lamang asawa ang turing niya sa misis kundi isang matalik na kaibigan.