Isko Moreno itinanggi ang pagbili ng boto, 'Habang busy sila sa politika, ako busy ako sa tao'

Habang ang iba ay abala sa politika, sinabi ng kandidato sa pagkapangulo na si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno nitong nagdaang Biyernes, Abril 8, na siya naman ay abala sa pakikipag-ugnayan sa mga tao,

Inilabas ni Mayor Isko ang pahayag nang tanungin tungkol sa dalawang indibidwal mula sa Caloocan na nagpakilalang mga tagasuporta na ‘nahatak’ ni  Isko sa pamamagitan ng vote-buying.

“Sabi nga daw. Pero wala tayo kinalaman doon. They can claim what they want to claim. Alam n’yo naman ‘yun,” sinabi ng presidential bet sa isang interview.

“Eh, tayo nga may nakita nagkakabigayan ng P500 eh. Wala tayong magagawa,” dagdag pa nito.

Hindi man niya sinabi ang buong detalye, kamakailan ay may lumabas na diumano’y pamamahagi ng mga puting sobre na naglalaman ng P500 sa Nueva Ecija pagkatapos ng campaign rally ng kandidato sa pagkapangulo at dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang pamamahagi ng pera ay kasuklam-suklam para sa Partido Federal ng Pilipinas. “Partido Federal ng Pilipinas is a disciplined political party! We abhor such action! That is not a policy in our core values and principles.” ani Gen. Thompson Lantion

“Alam mo ngayon pagdating ng halalan, lahat ng mga, anong tawag doon, che-che buretsye ba tawag doon… habang busy sila nag a-arrange ng mga politika nila, ako busy ako lalapit sa tao,” ayon pa kay Isko.

Nang tanungin kung itinatanggi niya na ang pagbili ng boto ay mula sa kanyang kampo, sinabi ng Mayor na, “siyempre. Oo naman.”

Hinimok din niya ang mga tagasuporta na sundin ang mga regulasyon ng Commission on Elections o Comelec.

Muling paalala para sa lahat: Bawal ang vote buying. Ito ‘yung pamimigay ng pera kapalit ay boto para sa partikular na kandidato.

Post a Comment

Previous Post Next Post