Naglabas na ng mahabang video si Toni Fowler kung saan tinalakay niya ang mga kontrobersyal na video na kinuha mula sa pagdiriwang ng kaarawan ni Rob Moya.
Viral sa social media ang isang video ni Toni na mukhang in distress habang naglalakad palabas ng birthday party ni Rob. Ano nga bang nangyari?
Back Story
Sa isang video ay sinagot ni Toni ang mga katanungan dahil sa na-witness na kaguluhan ng marami sa isang club.
“Nag-birthday si Rob at kami ng Toro Fam, nagkaroon kami ng desisyon na i-surprise namin si Rob,” pagsisimula niya.
Ayon kay Toni, pagkatapos ng intimate birthday surprise, nagpasya silang lahat na pumunta sa G-Side sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa simula, ipinakita ni Toni na ang lahat ay nagsasaya sa club, kumakanta at sumasayaw nang sama-sama dahil matagal na silang hindi nagdiwang bilang isang pamilya.
Gayunpaman, nagkaroon ng matinding pagbabago sa kanilang party nang biglang nagsimulang maging touchy si Rob kay Toni.
Inamin ni Toni na sinampal niya si Rob matapos ang paulit-ulit nitong pagsabi sa kanya na maaari pa nilang ayusin ang kanilang relasyon.
Pagkatapos ay ipinakita ng vlogger ang clip kung saan lumala ang argumento sa labas ng club; kung saan paulit-ulit silang tinanong ni Rob kung ano ang kanyang ginawang mali.

Maririnig namang sumigaw si Rob ng “Tatlong taon kitang minahal! Tatlong taon!” Naging emosyonal naman si Toni nang marinig ito mula sa dating kasintahan.
Kinabukasan ay nag-post naman si Rob sa kanyang Facebook account. Aniya, “Lalayo muna ako… sorry sa lahat.”
Matatandaan na sa Facebook post ni Toni Fowler ay bumuhos ang reaksyon at komento dahil sa pagbati niya sa kaarawan ng kanyang ex na si Rob. Bukod kasi sa pagtawag niya rito ng bestfriend, may pa-“I Love you” pa si Toni sa dating karelasyon.

“Happy Birthday best friend I love you,” aniya.
Matatandaan namang hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa na umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo ang kanilang pag-uusap kung saan nais bawiin ni Toni ang sasakyan na na kay Rob.
Nang magkaroon ng ibang karelasyon si Rob ay naging malala ang kanilang pag-aaway na humantong sa paghihiwalayan. Nagkaroon naman sila ng pagkakataon na magkausap.
Kalaunan ay nagkaayos din sila. Nagkabati bagama’t hindi nagkabalikan. Nakapupunta at nakakasama na rin nina Toni si Rob sa kanilang mga vlogs. Hanggang sa nangyari na nga ang masaya sa simula na birthday celeb para kay Rob na nagtapos sa gulo nang magtungo sila sa isang bar.
Panoorin ang buong pangyayari sa ‘paliwanag vlog’ ni Toni: