“K.”
Ito ang caption ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo, sa kaniyang tweet kalakip ang shinare niyang post ni Pia Ranada, matapos siyang punahin ni Manila Mayor Isko Moreno sa pagtanggi sa alegasyon na hiniling ng kampo ng VP sa kanyang mga karibal na umatras sa pagkapangulo.
Sinabi ni Isko sa mga reporters noong Abril 20 na ang kampo ni Leni ay patuloy sa panawagan para sa iba pang mga kandidato na huminto na sa karera.

“Barry, mag-ingat ka, may CCTV ang Office of the Vice President. Barry, mag-ingat ka, may CCTV ‘yung bahay sa Mckinley. Barry mag-ingat ka ha, may CCTV at picture ‘yung bahay sa Dasmarinas village. Fake talaga kayo kaya ayaw sa inyo ng tao eh. Tsaka, Barry, huwag ka nang magsalita, ‘yung amo mo pagsalitain mo,” aniya.
“Barry, tabi ka na sa gedli (gilid). Pagsalitain mo ang amo mo, o baka hindi pa mabasa, kailangan niya ng teleprompter,” dagdag pa niya.

Nanindigan ang Manila Mayor sa kanyang panawagan na umatras si Leni at hiniling sa kampo nito na huwag maging bully.
Sa isang pahayag na ipinadala sa mga reporters, sinabi ni Barry na walang aktibong pagsisikap sa kanilang bahagi na hilingin sa sinumang kandidato sa pagkapangulo na umatras mula sa karera sa Halalan 2022.
“We’ve answered this several times before and to be very clear, there have been no active efforts on our end to actually talk to any candidate, much less ask them to withdraw. Certainly, money was never ever on the table,” ani Barry.

“She never did anything, and in fact, in all of her public statements, she has been very, very clear, we are no longer pursuing active efforts in this regard, although we remain open, to having conversations if people will talk to us,” dagdag pa niya.
Matatandaan na nanawagan si Isko kay Leni na bawiin ang kanyang kandidatura sa pagka-presidente, at sinabing tumakbo lamang siya para pigilan ang pamilya Marcos na makabalik sa Malacañang.
Basahin: Isko Moreno kay VP Leni: ‘I’m calling for Leni to withdraw’
Panoorin ang video na ibinahagi ng Inquirer via YouTube: