Biglang naisipang mag-what’s in my bag ni Vice President Leni Robredo habang nakasakay sa isang kotse. Aniya, “papakita ko po sa inyo ‘yung promise ko sa mga kasama ko, kasi binibiro po nila ako na ipinakita ko daw ‘yung bag ko pero madilim” .
“Sabi ko mag-aano tayo ngayon, ‘what’s in my bag’ pero wala po itong preparation kaya pasensya na,” dagdag pa niya.
Sa video ay makikita ang isang malaking bag ni Leni na kulay black at pink naman ang hawakan nito na bigay sa kaniya ng congressman mula sa Masbate.

Ipinakita rin niya ang ibinigay sa kaniya ni Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na earpods.
Karamihan ng mga dala niya ay mga bigay ng kaniyang supporters tulad ng disinfectants. Gaya ng ibang mga tita at nanay, marami ring essential oils si VP Leni.
Aniya, hirap talaga siyang matulog tuwing kampanya gayung mataas lagi ang kaniyang adrenalin.

“Obvious ba na may difficulty ako matulog lagi, lalo na sa campaign, ang taas pa ng adrenaline ko.”
Agaw pansin naman ang wooden cross na lagi raw niyang dinadala at isinisingit sa panyo tuwing may presidential debate.
Matatandaan naman na kinilig si VP Leni nang mapansing nanonood sa kaniyang live si Piolo Pascual.
“Oh my God! Si Piolo Pascual nanonood. Bigla ako na-conscious,” aniya.

Nagawa naman niyang magpasalamat sa pag-eendorso ni Piolo sa kaniya ilang araw na ang nakakaraan.
“Thank you very much for the support. Siguro nakarating na sa ’yo, even before, that I’m such a huge, huge fan. So ‘yong pag-declare mo ng support, it really meant the world. So maraming salamat.”
Ibinahagi naman ito ni Piolo sa kaniyang Twitter account na may heart emoji pa.
Basahin: Leni fangirls during live: ‘Oh my God, si Piolo Pascual nanonood, bigla ako na-conscious’
Panoorin.