Inamin ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Jai Agpangan na nakatanggap siya ng ‘indecent proposal’. Mayroon umanong nagpadala sa kaniya ng mensahe na gusto siyang makilala at maging dyowa kapalit ng P1 million at mamahaling sasakyan.
Sa isang vlog ni Kyo Quijano kasama si Jai at Maris Racal ay kumasa sa ‘Sagot o lagot challenge‘ ang dalawa. Isa sa mga ibinatong tanong sa grupo ay kung nakatanggap na ba sila ng indecent proposal.

Unang umamin si Jai. Sinabi nitong baka raw nagustuhan siya ng nag-propose dahil sa kaniyang Instagram photos.
“Alam mo, naka-receive ako kasi akala nila siguro sa akin—fake news ‘yung IG, akala nila matangkad. Naka-receive na ako ng indecent proposal, one million and Tesla car. Pero ‘di ko in-accept,” aniya.
Nabanggit din umano ng taong nag-alok sa kaniya ang pangalan ng mga artistang pumayag na makasama siya kapalit ng malaking halaga ng pera.

“Actually, sa message request sa akin, naka-proposal lahat tapos nag-name drop pa siya ng ibang artista na nag-escort din siya,” dagdag pa niya.
Samantala, sina Jai, Kyo at Maris ay part ng series na ‘How to move on in 30 days‘. Sa series na ito ay sinusundan ang karakter ni Jen Agbisit (Maris Racal) na basta basta na lang binitawan ng kanyang dating kasintahan kaya naman nagdesisyon ito na magmu-move on sa loob ng 30 araw.

‘Dinokumento’ niya ang kanyang journey sa kanyang vlog at kalaunan ay kinuha nito si Franco (Carlo Aquino) bilang kanyang fictitious boyfriend sa kagustuhang maghilom nang lubos mula sa heartbreak.
Matapos ang 30 araw ng pagsisikap na kalimutan ang nakaraan, makikita kung ang karakter ni Maris ay ganap nang naka-move on, o kung ang kanyang mga pagsisikap ay mapatutunayang wala palang saysay.
Basahin: ABS CBN nakipag-partner sa YouTube; Maris Racal, Carlo Aquino bibida sa bagong series