Jinggoy Estrada tiwalang iboboto ng mga kaibigang sina Sharon Cuneta at Kris Aquino

Naniniwala si Jinggoy Estrada na iboboto siya ni Sharon Cuneta dahil sa kanilang pagiging malapit na magkaibigan.

“I am very confident that Sharon Cuneta will vote for me because friendship goes beyond politics,” ani Jinggoy sa isang virtual presser via Zoom noong nakaraang Martes, Abril 5.

Si Jinggoy ay muling tumatakbong senador at kabilang sa lineup ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio, habang si Sharon naman ay misis ni Senador Kiko Pangilinan na kandidato para bise presidente at ka-tandem ni VP Leni Robredo.

Ganito rin ang inaasahan niya umano mula kay Kris Aquino na kumare naman niya dahil inaanak nito ang kanilang panganay na si Janella.

“She is my kumare and she knows that I am a hardworking senator so I am hoping that she will vote for me,” wika ni Jinggoy.

Bukod dito, nakahanda rin umano siyang tulungan si Kris na kasalukuyang dumadaan sa matinding pagsubok sa kaniyang kalusugan.

Aniya, “I am really worried about her health. If she needs my help, I will help her.”

Natanong din ang dating senador, na nakulong nang ilang taon dahil sa alegasyon ng kurapsyon na may kinalaman sa pork barrel, kung bakit nais niya muling bumalik sa Senado.

“Why not? Sa aking pakiwari marami pa akong puwedeng maitulong sa lipunan. Unang-una, naranasan natin itong pandemya at maraming nawalan ng trabaho. That’s why advocacy ko rin ang pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan,” paliwanag ni Jinggoy.

Nagpapasalamat din ang anak ni dating Pangulong Erap Estrada kay Mayor Sara dahil tinulungan umano siya ng huli na baguhin ang kaniyang imahe sa publiko.

Ang payo raw sa kaniya ni Inday Sara ay tanggalin na ang suot na chaliko at mag-t shirt na lamang, at ahitin na rin ang kaniyang bigote upang ‘lumambot’ ang kaniyang mukha sa paningin ng mga tao.

“Kasi pag may bigote, medyo brusko ang dating ko. Sabi niya mag t-shirt ka na lang. Sabi ko, ma’m, how can I conceal my fats? Modesty aside, I look younger,” kuwento ng actor-politician.

Batay sa pinakahuling Pulse Asia survey nitong Marso, nasa pang-11 puwesto si Jinggoy (36.5%) habang sinusundan naman siya ng kaniyang kapatid na si JV Ejercito (35.9%) sa ika-12 puwesto.

Post a Comment

Previous Post Next Post