Nag-post ang aktres na si Lovely Abella ng isang heartwarming message kaugnay sa pagpapahalagang ipinapakita ng kanyang asawang si Benj Manalo.
Mahaba ang mensahe ngunit may hatid na cheesiness at love. Sinabi rin ng Kapuso aktres kung gaano siya nagpapasalamat sa kanyang mister.
“Medyo cheesy post. Sabi kasi nila mas makikilala mo daw ang Partner mo/ Bf mo or Asawa mo pag nasa ibang bansa kayo. Heto ang magpapatunay na binago ni Lord ang Asawa ko, simula nung lumakas ang faith niya,” ani Lovely.

Iba talaga ang saya kahit matagal na kayong magkasama at kilala na ninyo ang isa’t isa ay hindi pa rin nagbabago ang ipinapakitang pagmamahal niya para sa ‘yo.
Ayon pa kay Lovely, hindi na madaling magalit si Benj. Bukod pa riyan, iginiit niya na si Benj ang gumawa ng halos lahat sa kanilang bakasyon.
“‘Di na mainitin ang ulo niya, di niya sinasabayan ang bwisit ko, halos siya lahat kumikilos, wala akong narinig na reklamo sa kabila ng katamaran ko. As in napakasaya ng travel namin na to. Vlogger, tagbitbit, taga picture, BOSS na may puso at malasakit, taga bukas ng pinto ko, taga antay pag nagshoshopping kami,” ipinagmamalaking ibinahagi ng aktres.

“Lahat na ata ng maganda nakita ko sa 8 araw namin na to. Babe @benj ang saya ko ang saya ng Puso ko na Ikaw ang nakasama at makakasama ko pa sa lahat ng travel na to,” dagdag pa niya.
Tumugon naman si Benj sa ibinahaging madamdaming post ni Lovely, “Infair, magaling ka kumuha ng candid pics ko ha hahhahha.”
Hindi lamang ‘yun. Nagreply rin siya ng pasasalamat sa Panginoon, “praise God!” at “i love you so much!” sa aktres.

Si Lovely ay isang Filipina actress na napabilang na sa ilang mga TV shows sa Kapuso network. Lumalabas rin siya sa comedy program na Bubble Gang.
Ang celebrity mom ay bahagi rin ng blockbuster film na Hello, Love, Goodbye. Bukod dito, si Lovely ay mayroon nang mahigit 300,000 followers sa Instagram.
[Basahin: Benj Manalo may emosyonal na mensahe para sa yumaong ina]