Kinilig ang maraming netizen at naka-relate naman ang iba dahil sa napakagandang kuwento ng pag-ibig na ibinahagi ng JCBA Photography sa kanilang Facebook page kung saan isang couple na magkababata ang ikinasal sa Tagaytay nitong Abril lamang.
Nagkaroon ng “re-enactment” ang dalawa ng kanilang mga throwback photos sa tulong ng kanilang photographer, na si John Carlo Bagas Avelida.
Labing walong taon nang magkaibigan ang couple na sina Pearl at Renz bago nauwi sa kasalan ang kanilang samahan at pagmamahalan.

Patunay lamang ito na hindi kailangang madaliin ang lahat ng bagay lalo na pagdating sa pag-ibig dahil kung tunay at wagas talaga ang iyong nararamdaman para sa isang tao ay magiging kayo din sa tamang panahon.
Ilang netizens naman ang nagbigay ng advice sa bagong kasal na sana raw ay palaging nasa pagitan ng dalawa ang pag-unawa sa isa’t isa.
“What a wonderful love story, congrats and god bless to both of you may you have a long and lasting relationship.”

“Wow ganda ng love story. Be faithful lang ang bawat isa, pag may problema, pag-usapan and always God is the center of your everyday living. God bless you.”
“Wish to be forever and ever. My advice is always between you both is understanding each one of you. Everything’s will be happen.”
“Congrats po sa inyo wish ko po tumagal po inyong pagsasama, at magkaroon po kayo ng mga anak at isang buong pamilya na kayo congrats po ulit.”

Ilang netizens rin ang nagbahagi ng kanilang love story.
“So true. Ako po kaklase ko din noon asawa ko na ngayon.. Elementary kami magkaklase..nagkita kami ulit college na, ayon mr. ko na ngayon 4 yrs bf/gf 16 yrs of marriage ..congrats po.”
“Parang kami ng asawa ko, magkapit bahay, magkalaro, magkaklase mulat mula, away bati kami noong mga bata pa. Ngayon mag asawa na kami ng 27 years, may dalawang anak at dalawang apo na kami. Congrats sa inyong dalawa.”
Nakakikilig namang talaga!