Sa tamang panahon may darating na taong hihiling na makasama ka sa habambuhay.
Itinaon ng boyfriend na si Michael ang kanyang pagpo-propose kay Madam Kilay, isang vlogger, sa blessing ng kaniyang negosyo na matatagpuan sa General Trias, Cavite.
Ayon kay Madam Kilay, hindi niya inasahan ang nangyaring pagpo-propose ng kaniyang boyfriend.
Naganap ang proposal ni Michael kay Madam Kilay sa vacation home niya na ‘Kubo ni Gimo’ na pagmamay-ari niya.
Sobrang kinilig ang vlogger nang biglang sabihin ng boyfriend na, “You’re the one person I want to spend my rest of my life with,” sabay luhod at ipinakita sa kanya ang engagement ring.

“Is that real? Are you serious?” ani Madam Kilay.
Napahiyaw naman ng “yes” ang vlogger.
“Tatanggi pa ba tayo?” sabi niya habang isinusuot ng fiance ang singsing sa kanyang daliri.
Sa social media post naman ni Michael, sinabi niyang “the best decision in my life. I love you MadamKilay Jinky.”

Nag-post naman si Madam kilay sa kaniyang Facebook na nagpapasalamat ito sa kaniyang partner dahil sa pagtanggap nito sa kaniya pati na rin sa kanyang mga anak.
“Maraming salamat sa pagtanggap mo sa akin at sa aking mga anak! handa kang maging pangalawang ama nila. Araw araw kitang mamahalin my future.”
Bumati naman ang maraming netizen sa dalawa.
“Congratulations, You deserve it great moment always exist, God bless to both of you thank you for sharing your life and love journey very inspiring.”

“Congratulations Tatay Michael and Nanay Madam Kilay! Soooon little Michael and little madam kilay is in the house!Both of you deserve to be happy!Good luck and God Bless.”
“Congratulations Madam Kilay. I love you as always I’m very happy for both of you! you blessed a lot of people and that’s why you getting blessed too! You such a very strong person kahit anong pagsubok sa buhay push lang kaya you deserve everything what’s happening to your life right now.”
Panoorin ang eksenang kilig: