Sofia Andres nag-post ng larawan para sa mga bashers, 'Zoom it in all you want'

Kamakailan ay nagkaroon ng attention-grabbing post si Sofia Andres sa social media. Ito’y matapos pagdiskitahan ng bashers ang kanyang kili-kilo.  lol

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng 23-year-old aktres ang isang larawan ng kanyang sarili na ipinapakita ang kanyang kili-kili.

Sa caption, sinabi ni Sofia, “What the h*ck is wrong with people.” 

Ayon pa sa aktres, i-zoom ang nasabing larawan, “Zoom it in all you want.”

Ang post ng kapamilya star ay umani ng maraming reaksyon mula sa kanyang followers.

“Anong meron? ‘yung kili2x mo mas makinis pa nga kaysa sa mga mukha ng mga bashers.”

“Sana ‘yung kilikili niya kasing liwanag ng future ko.”

“Don’t mind them. of all armpits, napakanatural ‘yung sa ‘yo”

“Very pretty. Stop caring about what others say. It’ll only stress you out. They’d say what they want in any ways.. Let them be, and let you be.. Stay pretty, most of them are just envious. LOL”

“May basher pa ‘yang ganyan? Paano pa ‘yung sa akin parang may bahid ng nutella hahaha”

“Dami din lines. Okay lang. Mabango naman”

Basahin: ‘Ang hirap magpapayat pero ang dali kumain’ post ni Sofia Andres kinaaliwan

Kamakailan ay nagbahagi ang aktres ng isang wacky pose pagkatapos niyang mag-ensayo na tila pagod na pagod ito sa kanyang workout session.

Hindi nito naiwasang mapatanong kung bakit napakahirap magpapayat, “Bakit ba ang hirap magpapayat pero ang dali kumain…. Kailan pa magiging healthy ang ice cream at kanin! Ambot na lang walanjooooo!”

Totoo ‘yan; kahit anong healthy food ang kainin mo pag nakakita ka ng masasarap na foods tiyak na mapaparami ka ng kain. Mapapa-extra rice ka pa!

Palibhasa’y pagod at tapos na sa kanyang pag-eehersisyo, tinanong pa ng aktres kung kailan magiging healthy ang “ice cream” at kanin. Sana nga para unli kain!

Basahin: May nanalo na! Sofia Andres, nag-post ng ‘bagay pala kami’ ng Asian cutie na si Albert Nicolas

Post a Comment

Previous Post Next Post