Manual for love quarrels: GF nagregalo ng flowchart sa kaniyang BF, 'It's a guide kung bakit ako galit'

Manual para sa away pag-ibig? Nakatutuwang isipin na puwede palang may ganito sa isang relasyon; isang flowchart guide kung bakit galit si girlfriend.

Nagkakilala sina Trishia at Biboy noong senior high school at limang taon na silang nagde-date.

Gumawa si Trishia ng flowchart na may title na ‘Toyo guide’ para sa kaniyang boyfriend na si Biboy para tulungan itong malaman kung bakit siya nagagalit sa ilang partikular na pagkakataon.

“I can’t afford expensive gifts so I try to be creative and make them as meaningful as possible.”

Ang nasabing flowchart ay surpresa pala niya sa kaniyang boyfriend noong Valentine’s Day. Ito ay binubuo ng iba’t ibang instances na maaaring magdulot kay Trishia ng masamang mood at mga posibleng solusyon sa problema.

“We’re doing a long distance relationship this year so I thought I should give him something helpful and funny at the same time. I made it mostly as a joke pero nagagamit niya naman minsan.”

Naisip niya na perpektong regalo ito dahil kailangan nang bumalik ni Biboy sa Maynila para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at kailangan rin niyang manatili sa Tacloban.

“Palagi niyang name-mention na ‘yung biggest issue niya sakin is ‘yung ‘pag hindi ako nagsasalita ‘pag galit ako.”

“So I wanted to help him out ngayon na mag-LDR kami ulit. Kahit ‘di na ako magsalita he has a cheat sheet na kumbaga.”

Naikuwento rin ni Trishia na kadalasan ay nagbibigay siya ng mga hindi niya kinaugalian na mga regalo kay Biboy sa mga espesyal na okasyon.

Pagkatapos niyang gawin ang flowchart ay ipinakita at ipinaliwanag niya ito sa kaniyang boyfriend.

“He actually uses it, minsan hindi na natutuloy away namin kasi tawa kami nang tawa ‘pag kinukuha niya. It’s placed on his bed palagi nakaipit between the wall and his mattress.”

Inilarawan ni Trishia ang kanyang kasintahan bilang isang mahiyain at introvert na lalaki. Kaya naman ang open communication ay talagang masasabing susi sa kanilang relasyon.

No wonder bumuhos ang comments dito at nag-viral. Kanya-kanyang tag pa ang ilang mga may partner.

“Need ko na rin ba gumawa ng TOYO GUIDE para alam kong bakit matindi pag TINOTOYO na ko at para alam mo pano mawala ung TOYO ko.”

“Can I have your toyo guide please? Nahihirapan na ako dito konting tulong naman hahahahaha”

Na-curious ka ba? Watch this PhilStar feature video on Facebook!

Post a Comment

Previous Post Next Post