Viral ang video ng isang groom kung saan pinahinto ito ng pari dahil sa passionate kiss nito sa kaniyang bride sa kulminasyon ng kanilang pag-iisang dibdib.
Ang maikling video, na itinampok sa Unang Hirit ng GMA7, ay nagsimula sa pagpapahintulot ng pari sa groom na i-kiss na ang kaniyang bride ngunit tila nauwi ito sa passionate kiss, kaya naman pinahinto siya ng pari.
Nagdulot naman ng maraming tawanan mula sa mga nagtitipon na bisita ang nasabing video.
Hindi rin maiwasan ng mga netizens na nakapanood ng video na magbigay ng kanilang mga nakatatawang reaksyon sa comments section.

“Brother thought it was already honeymoon he forgot that father is still in front of them brother is just so excited.”
“Akala ni kuya honeymoon na raw agad nakalimutan niya nasa harap pa nila si father excited much lang ang peg ni kuya.”
“Grabe naman itong si sir gusto na niyang songgaban ‘yung asawa niya buti na lang andiyan si father.”

“Pasintabi na lang po kay Father kasi di siya pwedi mag jowa, kaya pinigilan muna niya kasi nasaharap niya e.”
“Tanggal lipstick ni bride nasa labi ni groom (emojis) dahil Kay father huminto Ng pagKISS.”
“Too much love po Fr. tawag dyan.”
Ayun, nakaabot na sa Kapuso Network ang kanilang kuwento!
Samantala, agaw-pansin naman sa social media ang kasal ng isang bride kung saan ay gusto niyang buo ang kanyang family kaya’t nagpaggawa siya ng isang ‘human standee’ ng kaniyang kapatid.
“MY SISTER’S STANDEE Due to pandemic ‘di naka-attend ang sister ko, nasa Singapore siya nagtuturo as preschool teacher. To complete our family pic, ginawan namin siya ng human standee,” ayon sa bride.

“’Yung leave ko po ay kulang pa sa quarantine period sa pagbalik ko sa Pilipinas at pagbalik po dito sa Singapore,” ani Trexy, kapatid ng bride, sa panayam ng TeleRadyo noong Marso 30.
“‘Yung human standee ‘yung nagbigay ng kulay doon sa wedding day niya, so na-amaze po ako nung nakita ko ‘yung human standee doon sa mismong kasal,” dagdag pa niya.
Basahin: Para kumpleto! Bride pinagawaan ng human standee ang kapatid sa araw ng kanyang kasal.