Maja Salvador engaged na sa non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez

“My new beginning @rambonunez,” ito ang caption sa post ni Maja Salvador kasunod ang ring at heart emojis.

Ginawa ng aktres ang anunsyo ng engagement sa pamamagitan ng isang Instagram post nitong Linggo ng gabi, Abril 17, kung saan ipinakita niya ang engagement ring na ibinigay sa kanya ng non-showbix boyfriend na si Rambo Nuñez.

Si Rambo ay nagbahagi rin ng mga larawan sa kaniyang Instagram account kasama ang aktres mula sa aktwal na araw na siya ay nag-propose.

“The best part is yet to come my love @maja,” aniya.

 

Hindi malinaw kung kailan at saan naganap ang proposal, ngunit noong nakaraang linggo ay magkasama ang dalawa sa El Nido, Palawan.

Kasunod ng anunsyo ng dalawa, mabilis na dumagsa ang mga mensahe ng pagbati mula sa kanilang mga celebrity friends at followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@maja)

“YESSSSS!!! Congratulations, you guys!” ani Sarah Lahbati.

“Omg congratulations,” ani Isabelle Daza.

Nagkomento rin si Ruffa Gutierrez at sinabing, “Omggggg congratulations, Maj and Rambo!!”

“I love you, ate koooooooo!!!!!!!!!” saad naman ni Miles Ocampo.

 

Sa isang panayam noong Hunyo 2020, sinabi ni Maja na naramdaman niya na sa wakas ay ‘nakauwi’ na siya nang magkita silang muli ni Rambo, na una niyang naging kasintahan noong siya ay 21 anyos pa lamang.

Naniniwala rin si Maja na tama ang kanilang piniling desisyon — ang pagbibigay sa kanilang relasyon ng pangalawang pagkakataon.

Noong Marso 2019, kinumpirma ng aktres na nagkabalikan sila ng dati niyang nobyo.

 

Sa panayam ng PEP.ph kay Maja noong Marso 2021 pinabulaanan niyang nag-propose na sa kanya si Rambo at nagli-live in na sila.

Para kay Maja na 33 anyos na ngayon, ang ideal age to marry ay kapag nag-35 na ito at kapag successful na umano sa nagawa niyang mga projects.

“Thirty-five [35] siguro puwede. Siguro super ano [successful] na ako nun sa mga nagawa ko sa mga projects talaga.”

Iginiit ng aktres na mas gusto niyang magkaroon ng anak sa tamang panahon.

“Siyempre, magagalit ang mga nanay natin. Let’s do it in the right way. Pero kung hindi, ‘di ba, it’s a blessing, bigay ni God.”

Post a Comment

Previous Post Next Post