Matapos kantahin ang “Roar” at “Titanium” sa mga nakalipas na campaign sortie, ang “Umagang Kay Ganda” naman ang itinanghal ni Toni Gonzaga sa kampanya ng Uniteam sa Tacloban City.
Sa isang campaign rally ng UniTeam ay naantig ni Toni ang puso ng mga netizens sa kanyang ipinamalas. Ito ay makikita sa isang video na ibinahagi sa social media.
Sa isa pang video na viral sa Facebook, makikitang itinaas ni Toni ang kamay ni Bongbong Marcos habang sinisigaw ng mga tao ang pangalan ni BBM.

Ang video ay nagpapakita ng kanyang napakalaking suporta para sa presidential bid nito. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagpapahalaga sa kanya.
Pinuri nila si Toni sa pagiging matapang nito sa paninindigan. Matatandaan na sa mga nakaraang ulat ay naibahagi na isa pala sa mga ninong sa kasal nina Toni at Direk Paul Soriano ang presidential candidate. Bukod dito, pamangkin ng maybahay ni BBM na si Liza Araneta-Marcos si Direk Paul.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
“Nakakaiyak ito. Thank you so much Ms. Toni Gonzaga.”
“God bless us all BBM-Sara Uniteam supporter mabuhay.”

Noong Abril 13 naman ay nagdaos ng grand rally ang Uniteam sa Quezon City na dinaluhan ni Mike Defensor.
“Isang malaya, nagkakaisa at puno ng pagmamahal na Quezon City ang sumalubong sa amin ngayong gabi. Maraming salamat sa aking kaibigan na si Mike Defensor sa isa na namang di malilimutang gabi,” ani BBM.
Mahihinuhang lubos ang suporta ni Toni sa UniTeam. Marahil, kaya ito bumitaw sa isang proyekto na gagawin niya sana sa New York ay dahil sa nalalapit na eleksyon sa bansa.
Matatandaan naman na si KC Concepcion ang pumalit sa kanya sa lead role ng romantic comedy New York film na “Asian Persuasion.”

Ayon sa Variety, pinalitan ni KC Concepcion ang Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga matapos umalis ng host sa production dahil sa “schedule conflicts.” Hulyo ng nakaraang taon nang inanunsyo na si Toni ay magiging bahagi ng pelikula.
Kasama ni KC na kasalukuyang nasa Amerika ngayon, ang iba pang Hollywood actors na sina Kevin Kreider, Paolo Montalban, Scarlett Sher, Celia Au, Geneva Carr at Jax Bacani.
“Onto day 3 of filming @asianpersuasionfilm! Thank you for joining us on this new journey. Grateful to be part of this Asian-American project, with our amazing cast & crew,” aniya sa kaniyang caption post.
Basahin: KC Concepcion, pumalit kay Toni Gonzaga sa New York film na ‘Asian Persuasion’