Polish vlogger na-in love, pinakasalan ang dalagang Badjao

Si Damian Drazek ay dating chef sa London, United Kingdom at isa ring vlogger.

Nagretiro siya noong 2010 upang tuparin ang kaniyang planong mag-travel sa buong mundo at isa ang Pilipinas sa mga naging destinasyon niya.

Abril 11, 2022 sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ay itinampok ang istorya ni Damian. Aminado siyang nabighani siya sa ganda ng Pilipinas.

Minsan siyang nasa Panglao Island sa Bohol, at niyaya siya ng mga kaibigan na pasyalan ang Badjao Village.

Ayon kay Damian, hindi kagandahan ang lugar at larawan ito ng kahirapan. Isa itong komunidad ng mga Badjao na karamihan ay kumikita sa panghihingi ng limos.

Para kay Damian naka-relate siya sa kalagayan ng mga Badjao roon dahil naranasan din niyang maging homeless.

Habang naglilibot siya sa lugar na iyon ay isang dalagang Badjao na nakilalang si Aico Ayrana ang nag-usisa kay Damian. Si Aico ay napilitang huminto pagkatapos ng Grade 10 dahil sa hirap ng kanilang buhay.

Paglalarawan ni Damian sa eksena nila ni Aico, “When I saw her face for the first time, I just felt like I wanted to stay there and have a conversation with her. I really felt some kind of connection.”

“Nabigla po rin ako. Handsome po siya. Para po akong na-love at first sight,” ayon naman kay Aico.

Naging madalas naman ang pagdalaw ni Damian kay Aico mula noon kaya hindi nagtagal ay naging sila na.

Aminado ang dalawa na hindi smooth-sailing ang kanilang relasyon at mayroon ding naging hadlang.

May nagsasabi kasi sa Polish vlogger na isa siyang pedophile dahil mas bata si Aico sa kaniya.

Sa panig naman ni Aico, “Nahihiya ako sa sarili ko dahil iisipin ng mga tao, gold digger ako.”

Ngunit makalipas ang dalawang linggo ay nagdesisyon silang magpakasal.

Sa ngayon ay plano ni Damian na ipagpatayo ng bahay ang kanyang misis. Isasama rin niya si Aico sa kanilang bansa para makilala ang kanyang mga magulang at magpakasal muli doon.

Nagpasalamat naman si Aico sa mister na sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan ay tinanggap siya nito at piniling makasama habambuhay.

Panoorin ang kanilang kuwento:

Post a Comment

Previous Post Next Post