Nag-viral muli ang video ni Mariel Padilla na ‘nahulog ang eletric fan’ kung saan ginawan ito ng remix ng sikat na musician na si Sean Al.
Agad naman itong nakarating kay Mariel at pinasalamatan si Sean na kilala sa TikTok sa paggawa ng mga remix.
“Omggggg. Maraming salamat sa gumawa… Ako na ang may kanta,” aniya.
Ang naturang video ay ibinahagi ni Sean noong Abril 15 sa kaniyang Facebook page kung saan ginamit niya ang live video ni Mariel kung saan naaktuhan ang kanyang reaksyon nang makitang nahulog at nasira ang kanilang electric fan.

“Ay, ‘yung electric fan… Oh my Gosh, ‘yung electric fan nahulog… nahulog,” ang bahaging kinuha at ginamit sa naturang remix.
Dinagdagan ito ng musician ng sarili niyang lyrics kaya naman umabot na sa 2 minutes at 34 seconds ang kabuuan ng kanta.
Nagpasalamat at nagkomento rin ang mister ni Mariel at sinabing, “Hahahahaha napakatalino at napakagaling.”
As of posting, ang video na ibuinahagi ni Mariel ay umabot na sa halos 3M views at 346k reaksiyon.

Maraming netizens naman ang naaliw sa kanta at tila gusto rin umanong sayawin.
“Awesome! Parang gusto ko din sayawin to.”
“From now on ito na ang favorite song ko..at si Mariel na favorite singer ko looking forward to hear songs from cookingina.”
Matatandaan na sa kanyang FB live ay namimigay ang aktres ng libreng bisikleta sa kanyang mga lucky viewers.

Habang sinusuri niya ang kanyang mobile phone para makita kung sino sa kanyang mga manonood ang mananalo, maririnig ang isang malakas na bagsak.
Napasigaw si Mariel nang makitang nahulog sa sahig ang electric fan na malalamang naka-ON pa.
“Okay let me check kung meron na tayong winner. Wow! We have one winner! Ayyy! Yung electric fan! Oh my God! Nahulog! Off mo na, off! Oh my gosh, nahulog yung electric fan,” hiyaw ni Mariel na nagulat.
Basahin: Mariel Padilla, kinaaliwan nang mahulog ang electric fan habang siya ay nagla-live streaming
Panoorin ang kwelang remix video: