Ang aktor na si Marcos Alcaraz ay nagbahagi ng kaniyang sariling pananaw at obserbasyon sa buhay ng mga mag-asawa.
Nag-post siya ng malalim na mensahe at nag-upload ng ilang mga snippet nila ng kanyang asawa, ang beauty queen na si Lara Quigaman, sa Mactan-Cebu International Airport.
“No Marriage is perfect. Those celebrating 30, 40, 50 years of togetherness, they’re celebrating forgiveness, tolerance, ignoring husbands stupidity, overlooking the wife’s misbehaviors. Money does not determine a better marriage but character and loyalty does,” pagbabahagi niya.

Ibinahagi din ng aktor ang kanilang karanasan sa Mactan-Cebu International Airport, at sinabing ito ay isang “world-class” na paliparan.
“First time in the New Mactan Cebu Airport. All I can say is wow!! World Class jud siya! Mura mig naa sa first world country airport #proudbisdak,” dagdag pa niya.
Mahihinuha na naglakbay ang mag-asawa at magkasama nilang tinutuklas ang mga magagandang lugar na napupuntahan nila.
Si Marco at Lara ay unang ikinasal sa isang sibil na seremonya noong 2011, at kalaunan ay nagkaroon ng kanilang Kristiyanong kasal noong 2012. Mayroon silang tatlong anak na sina Moses, Tobias Nolan, at Noah.
Basahin: Marco Alcaraz, nagbahagi ng ‘Couple tips’

Matatandaan na ibinahagi ng dating varsity basketball player sa kanyang Instagram account ang ‘couple tips; para sa mga mag-asawa lalo na yaong mga bagong kasal pa lamang.
“Napost ko na last year to pero worth it na ipost ulit. Malalaman mo na masaya ang pagsasama nyo mag-asawa kung may respeto, tiwala at hindi pinag-aawayan ang pera. Kaya pag pera ni Mrs pera niya yun at kapag pera ni Mr pera pa rin ni Mrs yun, tama ba ako?” saad ni Marco.

Kaya naman minarapat ni Marco na magbahagi ng ilang mga bagay na natutunan niya sa loob ng sampung taon nilang pagsasama.
Mapagbiro man ang tono ng mga post ni Marco, marami namang mapupulot mula sa mga ito.
Naging mahalaga daw para sa kanila ang pagbibigay ng sapat na oras para sa isa’t isa. Bukod dito, mahalaga rin daw ang komunikasyon.
View this post on Instagram