Engaged na ang Top 6 finalist Miss Universe 2016 Maxine Medina sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Timmy Llana.
Ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2016 sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang diamond ring at ilang sweet at emosyonal na mga kuha mula sa proposal.
“Finally my forever,” nakasaad sa post ng aktres.

Makikitang tila nasurpresa at puno ng emosyon si Maxine, batay sa mga larawang ibinahagi niya sa IG noong Lunes, April 4, 2022.
Napatakip pa si Maxine ng mukha habang nakaturo si Timmy sa ibinigay niyang engagement ring na may malaking teardrop diamond stone.
Agad na nagpaabot ng congratulatory messages ang First Lady co-stars ni Maxine na sina Sanya Lopez, Cassy Legaspi, Kakai Bautista, Thou Reyes, at Pancho Magno.
Ang kapwa beauty queen ni Maxine na sina Winwyn Marquez, Nicole Cordovez, at Rachel Peters ay kinilig din para sa kanya.

Halos apat na taon nang magkasama sina Maxine at Timmy. Ipinagdiwang nila ang kanilang ikatlong anibersaryo noong Hunyo 2021.
“My gosh we made it to [three] whole [years] and I couldn’t be more proud of us! It’s so crazy how time can go by and we can grow so much within a day,” isinulat niya sa caption.
“So proud of you and you have helped me mature and become a better person and a better partner each day. You completed me in more ways than you could imagine babe!” ani Maxine.

Noong 2020, binigyan ni Timmy ang beauty queen ng promise ring na ginawang mas espesyal dahil sa kanyang initial.
“I thought it was just a Christmas gift but this guy…” sabi niya. “I didn’t honestly expect him to give his speech before he put the ring on me.”
“‘I promise to take care of you and will love you forever. Yes not yet… but it’s a promise ring,” sabi umano ng kanyang nobyo.
Samantala, sa kanyang latest post, “This is the start of my ALWAYS. @timmyllana I LOVE YOU!”
View this post on Instagram