Mayor Vico ibinahagi ang pagmamahal sa mga lolo't lolang Pasigueño

Kung madalas makunan si Pasig City Mayor Vico Sotto na nakikipag-bonding sa mga batang Pasig, hindi rin naman matatawaran ang pagmamahal ng alkalde sa mga matatandang residente ng kanyang lungsod.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Mayor Vico ang then-and-now photos nila ng isang matandang residente. Ang isa, kuha sa kanyang kaarawan noong 2019. Ang isa naman ay nitong nakaraan lamang.

“Iba talaga magmahal ang mga lola,” saad niya sa caption ng mga litrato mula kay Peachy Belleza Mendoza, kung saan makikitang hinahaplos pa ng senior citizen ang mukha ng mayor.

mayor vico

Kasabay nito, ibinahagi ni Mayor Vico ang hindi niya nasabi sa matanda na malalaman din naman nito pagkalipas ng ilang buwan: ang karagdagang benepisyo para sa mga nakatatanda sa kanilang lungsod na magsisimula na ang pagpapatupad sa darating na Hulyo.

“Nakalimutan ko palang sabihin kay Lola na simula sa darating na Hulyo ay may matatanggap na siyang Local Senior Pension. Sa ilalim ng Pasig Senior Citizens Code na sinulat namin nina Konsi Santiago, kapag 65 years old pataas, walang trabaho, at wala pang ibang pension, may P500 per month mula sa LGU [local government unit],” aniya.

“Nakapagtabi na tayo ng pondo para rito,” pagtitiyak ng ama ng lungsod.

mayor vico

Likas na makabata

Bukod sa pagmamahal sa mga nakatatanda, kinagigiliwan din ng marami ang pagiging malapit ng loob ni Mayor Vico sa mga bata, kaya naman hindi niya binibigo ang mga ito lalo na kung para sa kanilang kinabukasan.

“Usapang kabataan/edukasyon: noong 2019, nasa 12,000 ang scholar ng Pasig. Bukod sa mga pagbabagong ginawa sa programa, dumami pa ang scholar natin sa gitna ng pandemya: nasa 20,000 na ngayong school year. Ang nasa plano naman: 30,000 by schoolyear 2024-25,” pagbabahagi niya kamakailan sa isang kumento.

mayor vico

Dahil sa mga proyektong ito ng city government, labis na nagpapasalamat ang mga Pasigueño.

Basahin: ‘Happy Sunday, mga pre’: Mayor Vico nakipag-hang out sa mga batang Pasig

Post a Comment

Previous Post Next Post