Si Rufa Mae Quinto ay bumalik na sa GMA 7 at isa na muling Kapuso.
Sinimulan ng aktres ang kanyang showbiz career noong 1996 sa GMA sa ilalim ng ‘That’s Entertainment’ na programa na ngayon ay defunct na.

Sa ulat ng Chika Minute sa “24 Oras” ng GMA 7, inihayag ng aktres na nagulat din siya nang sabihin sa kanya na isa na siyang Sparkle star.
Para kay Rufa Mae, tila welcome back gift ang pagiging Sparkle star niya sa kanyang pagbabalik sa home network. Dumating daw sa tamang panahon ang pagbabalik niya bilang Kapuso star.
“Laging sakto lahat ng pagbabalik ko. Nagka-management, nagkaroon ng back to GMA,” aniya.

Ikinuwento rin ng aktres na lumaki siya sa GMA Network. Idinagdag nitong nag-portray siya noon ng iba’t ibang roles sa 7.
“Lumaki rin ako sa GMA, lahat ginawa ko na diyan, magpakain sa buwaya na lang ang hindi,” dagdag pa niya.
Gumaganap si Rufa Mae sa mga sitcom, naging host, miyembro ng gag show, sirena, at gumanap din bilang Darna sa GMA 7.

Sa pagbabalik niya sa Kapuso Network ay sumabak na agad siya sa mga guesting para sa ‘Mars pa more’ at ‘Family Feud’.
Sobrang saya naman niya dahil para siyang nakipag-reunion sa mga dati niyang nakatrabaho sa GMA. Balik acting din ang aktres dahil sa darating na Sabado, Abril 23, ay mapapanood siya sa ‘Tadhana’.
Super nag-enjoy din daw si Rufa Mae matapos makasama at makatrabaho ang ilan pang Sparkle artists na sina Arra San Agustin, Ashley Ortega, Luis Hontiveros at Topper Fabregas, pati na ang veteran actress na si Irma Adlawan.
View this post on Instagram
“Nagsaluhan kami ng Instagram, kasi nag-TikTok kami and everything. Sobrang tawa lang kami nang tawa, kaya nga sa sobrang saya, tapos na agad ‘yung taping,” pagbabahagi niya.
Ibinahagi naman niya sa kaniyang Instagram ang maikling clip mula sa Tadhana kung saan ay isa siya sa gaganap.
“After all , May Tadhana. Ang pag mamahal sa pag arte, ito na. Go go go guysh! Saturday 3:15 pm April 23 and 30!. Directed by Rommel Penes Todo na tour!” aniya sa kaniyang caption.
Panoorin ang update mula sa GMA News:
Narito ang ilang eksena sa “Tadhana”: