Pokwang nag-host sa grand rally nina Leni-Kiko sa Rizal: 'Gusto kong marinig ang hiyawan ng mga sibuyas'

Si Marietta Subong O’Brian, o mas kilala bilang Pokwang, ay isa sa mga nag-host sa Rizal Grand rally nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan at todo-todo siya sa pag-aliw sa mga tao at pangangampanya.

Isang video ng comedienne ang ibinahagi ng netizens at naging viral. Sa video, hinighlight ni Pokie ang isa sa mga pinakakontrobersyal na tagline ng grand rallies ngayon, at ito ang terminong “sibuyas.”

Sinabi ng komedyante na gusto niyang marinig ang sigaw ng mga ‘sibuyas’, pagkatapos ay inilagay ang mikropono sa direksyong binanggit niya.

“Alright, gusto kong marinig ang mga hiyawan ng mga sibuyas, sa kanan. Mga sibuyas sa gitna. Sibuyas sa kaliwa. Bakit sila matatakot sa sibuyas, sibuyas lang ýan.”

Bago sumabak ang comedienne sa rally ay nag-post ito sa kaniyang Twitter account.

Aniya, “Goodmorning!!! Handa na ako mga kakampinks!!! See you sa Rizal Grand rally today #RizalisPink #lenikiko2022 rizal provincial capitol ground ynares center Antipolo, City 3pm today paakk #PinkAngPokienyongLahat Lets gooo.”

Samantala, isa rin si Jolina Magdangal sa nag-host sa Grand rally sa Rizal.

Nagpakita si Jolina sa kaniyang Instagram ng kanyang lakas at tiyaga bilang tagasuporta ng tandem nina Leni at Kiko.

Si Jolina at ang kanyang asawang si Mark Escueta ay tumuloy sa pagpunta sa Grand rally  sa kabila ng masamang panahon.

Nag-upload din siya ng larawan ng basang lupa kung saan ginanap ang Grand rally. Maraming netizens ang pumuri kay Jolina dahil hindi napigilan ng masamang panahon na suportahan niya sina Leni at Kiko.

“Ano man ang kondisyon ng panahon, iisa pa rin ang puso at paninindigan namin. Ang pag-asa para sa magandang kinabukasan ng mga anak namin. #LeniwanagAngSilangan #RizalIsPink #RizaLeni,” aniya sa kaniyang Instagram post.

“Grabe! Sobrang lakas ng ulan halos buong araw.. pero ngayon tumigil!!! Malapit na lumabas si Maam Leni, tumigil ang ulan! Ni ambon wala,” aniya.

Post a Comment

Previous Post Next Post