Raquel Pempengco, humihingi ng tulong kay Jake Zyrus para sa kanyang ina at kapatid na sumakabilang-buhay na

Ang ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco ay humihingi ng tulong sa kanyang anak ((dating Charice Pempengco) kaugnay sa pagyao ng kanyang ina at kapatid .

Namaalam na ang Lola ni Jake na si Tes Pineda Relucio noong Linggo, Abril 3. Hindi na daw umano nagising mula sa pagkakahimbing ang kanyang ina.

Makalipas ang ilang araw ay ang anak ni Lola Tes na si Robert Pineda Relucio naman ang sinawimpalad, Miyerkules ng madaling-araw, Abril 6. Naaksidente naman ito sa motorsiklo.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP nitong Abril 6, lumapit sa kanila si Raquel upang humingi ng tulong dahil hindi pa nagpaparamdam sa kanila si Jake.

Dahil sa dami ng gastusin ay humihingi na ang ina ng tulong sapagkat dalawa na ang magkasunod na namaalam sa kanilang pamilya.

“Tulungan niya sana ako at hindi ko kakayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko,” panawagan ni Raquel sa singer.

Si Jake ay nasa ibang bansa sa ngayon at matagal na raw silang hindi nag-uusap at walang ugnayan sa isa’t-isa.

Basahin: Jake Zyrus sa kaniyang latest body development: ‘Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako’

Matatandaang ang huling balita kay Jake ay nagbahagi ito ng post sa social media at ipinagmamalaking ipinakita ang latest na larawan para palayain ang kanyang sarili sa insecurities, kung saan dinedicate niya ang kanyang post sa iba pang mga transgender.

“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi pa rin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan,” mababasa sa caption ni Jake sa isang mahabang post sa Instagram at Facebook noong Pebrero 2022.

Post a Comment

Previous Post Next Post