Sa panahon ngayon ay kailangang maging madiskarte sa buhay upang umasensyo. Isa ang 21-year-old na lalaki na taga Batangas na gumawa talaga ng matinding diskarte para sa kanyang goal.
Kinailangang ibenta ni John ang sarili niyang sasakyan para masimulan ang kaniyang small business sa Batangas. Naibenta niya ito sa halagang P200,000.
Ginamit niya ang perang ito sa pag-invest sa kaniyang ipinatayong coffee shop.
Sa storage room ng kanilang bahay mismo itinayo ni John ang kaniyang small coffee shop. Tumulong din siya sa pagtatayo nito noong Nobyembre 2021.

“No’ng una, talagang medyo hesitant sila na payagan ako. Matagal ko na kasing binabalak talagang gawin, ‘yung bakanteng lote namin pagtayuan ng business.”
Si John ay hindi isang tagahanga ng mga inuming kape, ngunit nakita niya ang potensyal nito. Kaya humingi siya ng tulong sa kaniyang mga kaibigan nang gumawa siya ng sariling recipe ng kape.
Noong panahong iyon, kinailangan din niyang huminto sa kaniyang pag-aaral dahil sa mga hamon na dulot ng pandemya. Napakahirap umano para sa kaniya na makakuha ng pag-apruba ng kaniyang mga magulang upang magsimula ng isang negosyo.

Ngunit determinado si John na matupad ang kaniyang pangarap at tumulong sa kaniyang mga magulang sa mga gastusin, lalo na nang matanggal sa trabaho ang kaniyang ama na OFW dahil sa sakit sa puso.
Sa tulong ng kaniyang pamilya at mga pinsan, kumikita na ngayon si John ng P15,000 per week.
Nakatutulong na rin siya na mabayaran ang mga gastusin sa kanilang bahay. Nag-iipon din siya para ma-upgrade niya ang kanyang coffee shop.

Nagpapasalamat si John sa tiwala na ibinigay ng kaniyang mga magulang sa bago niyang nakamit sa buhay.
“Kahit nung una medyo nag-doubt sila, ‘di sila tumigil kakasuporta sa’kin. From the start ng pagco-construct ng building up to current time, talagang tulong-tulong.”
Pinuri naman siya ng netizens sa kanyang dedikasyon. Sumugal kasi siya sa kanyang pangarap at nagawa naman niya itong masimulan. Inspiring siya, ‘di ba?
Ang Ristretto Cafe ay matatagpuan sa Lorenzo Village, San Sebastian, Lipa, Batangas.
Bukod sa espesyal niyang kape, may pastries, pastas at burgers din sa kaniyang coffee shop.
Umaasa naman siya na maipagpapatuloy niya ang pag-aaral at ma-expand pa ang kaniyang negosyo sa hinaharap.
Panoorin ang kanyang kuwento sa isang PhilStar feature: