Rob Moya nag-propose kay Toni Fowler; Xian Gaza nag-react

Naging usap-usapang muli ang pag-uusap nina Rob Moya at Toni Fowler. Sa latest vlog ni Rob ay sinabi niyang gusto lamang  niyang humingi ng dispensa kay Toni at nais lamang niyang magkaayos sila.

Sa panig naman ni Toni ay ayaw na rin niya ng gulo kaya tinanggap na rin niya ang paghingi ng dispensa ni Rob. Gayunpaman, nang kausapin na siya ni Toni ay nagpaalam na ito kung puwede ba daw siyang manligaw ulit rito.

Alam naman daw niyang wala pang boyfriend si Toni kaya nagbabakasakali siyang maayos pa ang kanilang naudlot na relasyon.

Lumuhod si Rob at naglabas ng singsing na ikinabigla naman ni Toni. Kinuha naman ni Toni ang singsing saka ibinato sa mukha ng dating nobyo. Naiwan  namang nakaluhod at tulala si Rob na tila nabigla sa ginawa ng kaniyang dating kasintahan.

Matapos ang nangyaring pagpo-propose niya ay pinagsabihan naman siya ng kaniyang kasamahan dahil wala raw sa kanilang plano ang pagbibigay nito ng singsing.

Ilang netizens naman ang nag-react at nagkomento sa eksenang ginawa ni Rob.

“Congrats Rob deserve mo ‘yan sana mabuhay ka nang matagal. I know you’re in the good place now.”

“Haha the middle fingers you deserved mema-content at least kumita ka wise din mag-isip tukmol! Haha. Vince for the win.”

“Hindi mo talaga alam ang salitang respeto Rob. You deserve it.” 

Samantala, nag-react naman si Xian Gaza hinggil sa video. Aniya, “Magandang araw po sa lahat except kay Toni Fowler at Rob Moya na Pambansang Scriptwriter ng Pinas.”

Matatandaan na sa vlog n Rob kamakailan ay napagtanto umano niya kung gaano kahalaga sa kaniya si Toni. Inamin nitong unti-unti niyang naramdamang mahal niya pa rin ito at sobra umano siyang nagsisi sa nagawa.

Aniya, kung puwede niya lang ibalik ang oras ay hindi siya magdadalawang-isip na mahalin ulit si Toni at kahit ilang babae pa raw ang dumaan sa kaniyang buhay ay tanging si Toni lang ang espesyal para sa kaniya.

Basahin: Rob Moya kay Toni Fowler: ‘Toni mahal pa din kita, bumalik ka na sa akin’

Panoorin ang naganap:

Post a Comment

Previous Post Next Post