Nagbabala si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga botante noong Biyernes, Abril 25, sa mga kandidato na bumibili ng boto at kapag naupo na sa puwesto ay kanila ring babawiin ang mga nagastos nang sila ay nangampanya.
Sa FB ay ibinahagi niya ang babala matapos sabihin sa kanya ng isang babae na may mga ilang kandidato na nagbibigay ng pera sa mga botante.
“Pasakay na ako ng sasakyan, biglang may humawak sa braso ko. “Mayor Vico!” sabi ni Ate, “Nagpa-ulan sila ng pera dito kahapon! Pero wag ka mag-alala, alam na namin yun. Balak din nilang bawiin yun,” sinabi ni Sotto sa kanyang Facebook post.
Naguguluhan si Vico kung saan kumukuha o nanggagaling ang pondo ng mga kandidato para bumili ng boto.
“Ang palusot ng ibang kandidato ay sariling pera naman daw nila ang gamit nila..,” wika ng Mayor ng Pasig.
“Pero isipin n’yo kung 300 pesos per person ang bigayan (madalas mas malaki pa diba).. Sabihin nating 1,000 people per day ang nakakasalubong nila (low estimate).. Nasa 200 days mula filing ng candidacy hanggang halalan,” dagdag pa niya.
Halimbawa, kung ang kandidato ay gumastos ng P300 para sa bawat 1,000 na botante bawat araw sa loob ng 200 araw, ang kandidato ay gagastos ng kabuuang P60 milyon, ayon sa alkalde.
“Right there, they’re probably spending more than 60 MILLION PESOS?? Let me check the Forbes list again. Are they billionaires… Or are they being funded by people who miss the old system of fixed bidding and corruption at city hall?” sinabi ni Vico sa parehong post.

“O baka naman funded sila ng mga taong miss na miss na ang lumang kalakaran ng lutong bidding at korapsyon sa city hall? The truth hurts, but it is the truth: ANG MALAKI GUMASTOS SA KAMPANYA AY MAS MALAKI PA ANG BABAWIIN.”
“Let’s move to a brand new politics. We will not spend much, but if we win, we will use the fund of the LGU in full for the people,” sabi pa niya.
