Ibinahagi ni Pauleen Luna sa kaniyang Instagram account ang family picture ng mga Sotto na agad naman pinusuan ng kanyang mga tagasubaybay.
Ang kanyang post ay nagpapakita ng mga larawan ng ilang miyembro ng angkan ng Sotto sa pangunguna ng magkakapatid na sina Vic, Val, Marcelino at Sen. Tito Sotto.
Ang pamilya Sotto ay muling nagsama-sama para sa kanilang taunang tradisyon tuwing Biyernes Santo, ang Pabasa.

“Always a good time with the family. Thank you Lord!” saad ng asawa ni Vic Sotto sa kaniyang caption.
Sa isa pang post ay ibinahagi rin nina Pauleen Luna at Ciara Sotto ang video ng “Pabasa 2022” ng pamilya Sotto.
Sa nasabing video ay inaawit nila ang Pasyón, isang salaysay ng buhay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Ayon kay Ciara, taon-taon nilang ginagawa ang nasabing religious ritual.
“Yearly Good Friday Tradition,” ani Ciara.
“Maliit pa lang ako ito ang pagkakatanda ko sa Sotto Brothers. Ang PABASA taon taon na pamana ng kanilang magulang. God bless po,” pahayag naman ng isa nilang masugid na follower.
Ayon sa isang netizen ay hinahangaan niya ang pagiging malapit ng Sotto family sa isa’t-isa.

“Sotto family one of my favorites. I admire your closeness to everyone in the family.”
Ang ilan naman sa mga netizens ay nagbalik-tanaw kaugnay sa kanilang gawain tuwing Holy week.
“I miss my tatang 30 years ago, we usually start at 5am & finished at 8pm with a band.”
“This brings back memories of my childhood. In Bulacan where I grew up we used to do this too every year.”

“Nice to see the whole clan Ciara. My family tradition on Holy Week is we lend our Lifesize image of Mary Magdalene for the 5:30pm Good Friday Procession before. Missing it coz her image is with me right now and we don’t join the procession anymore on our new parish.”
“Nakakatuwang tignan, sama sama sa gawain o gawi ng magulang, lalo ng #Nanay, mabuhay kayo #SottoBrothers.”
“What a wonderful Holy Week tradition to pass on to your children & grandchildren. I love hearing the traditional Pabasa sound. Napakinabangan nila sa Pabasa ang pagiging singers nila. God bless you Sotto clan.”
View this post on Instagram