Para kay Vina Morales, mayroon kayang magandang patutunguhan ang action star na si Robin Padilla kung papalaring makapasok sa senado?
Ayon sa KAMI, tinanong nila si Vina Morales tungkol sa kanyang reaksyon sa mga bumabatikos sa senatorial bid ng kaniyang dating nobyo na si Robin Padilla.
Ayon kay Vina, iginagalang niya ang opinyon ng mga kritiko ni Robin ngunit magalang siyang hindi sumasang-ayon sa mga ito.

Ibinahagi ng aktres-singer na kilala niya noon pa man si Robin bilang isang mabait na tao na may magandang puso na laging nagsisikap na tumulong sa ibang tao.
Naniniwala siya na kung magiging senador si Robin, mas marami pa siyang matutulungan.
“That is their perception, I respect that. But as for me, I’ve known Robin for years and I’ve seen how kind and how beautiful his heart is. I’ve seen him help so many people. I believe that being in a senatorial position, he will be able to help more people who are in need,” ani Vina.

Matatandaan na nagpahayag ng suporta si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin sa kandidatura ni Robin na tumatakbong senador sa ilalim ng PDP-Laban at kabilang rin sa lineup ng UniTeam ni Bongbong Marcos.
Sa kaniyang tweet noong Abril 11 ay tiniyak ng kalihim na iboboto niya ang action star na tinaguriang ‘Bad Boy of Philippine Movies’.
Basahin: Teddy Locsin suportado si Robin Padilla: ‘He’s the real thing’

Sinabi naman ni Robin sa The Boy Abunda Talk Channel kung bakit ito tumatakbo sa senado.
Aniya, “Nandito po ako, pumapasok ako para po sa buhay ninyo ay magkaroon ng totoong pagbabago sa atin. At ‘yun pong sinasabi ni Presidente na hindi pa po siya nakakakilala ng taong pinakamahal ang Pilipinas, mahal ko po talaga ang Pilipinas, mahal ko ang bayan ko at handa ko pong ibigay ang buhay ko sa bayan ko.”
Basahin: Robin Padilla sa panayam ni Boy Abunda, sinabi kung bakit siya tumatakbo bilang senador
Ayon kay Robin, tututukan niya ang pagpapalit ng porma ng gobyerno ng Pilipinas mula sa unitary presidential government tungo sa federal form of government.