Sharon kaibigan pa rin sina Bongbong at Sara, pero ang dapat iboto ay Leni-Kiko

Naging emosyonal si Sharon Cuneta nang magsalita siya tungkol sa pakikipagkaibigan niya kay presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahit na hinihimok niya ang mga botante na ihalal ang karibal nito na si Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo.

Sa campaign rally ng kanyang asawang si Senator Kiko Pangilinan at Leni sa Sta. Rosa, Laguna noong Huwebes, inilahad ni Sharon ang tungkol kina Bongbong at Sara, na parehong kalaban ngayon ng kanyang asawa sa pulitika.

“Among the Marcos children, I would consider Bongbong the closest I had become to. Si BBM hindi ko iniwan. Hindi ko siya iniwan that whole time.

“Hindi nangangahulugang agree ako sa mga nalaman ko na unti-unti namulat ang mata ko dahil kilala ko ang pamilya personally. Hindi naman ganoong ka-close.

Pero kilala ko sila… I did not leave Bongbong during all those years after People Power. He was my friend,” sabi ng Megastar.

Para naman kay Sara, “I met Sara when she was nine years old. Ever since she was nine years old, she has been a Sharonian. And Sara has been like my sister… Sara is my friend. She was like my sister. I hope after elections… I hope we can still be friends.”

Sinabi ni Shawie na itinuring niyang “Tatay” si Pangulong Rodrigo Duterte ngunit nadismaya siya matapos ang isa sa mga talumpati ng Pangulo.

Ayon pa kay Sharon na ayaw na niyang maulit ang pagkakamaling ito.

Nanawagan din siya sa mga magulang na boboto sa darating na halalan.

“Do you want your children, your grandchildren and your grandchildren’s children and so on and so forth – all the generations to come, to say, ‘My lola or my mother or my father or my lolo voted for the right leaders when they could?’”

Sinabi rin ni Sharon sa mga dumalo na may oras pa para kumbinsihin ang ibang mga botante na “hanapin ang katotoohanan.”

“You’re young, you’re smart, you’re woke, you know fake news, you know what’s real. You know how to find out the truth. It is so easy in this day and age. Do your research. Convince those na hindi pa namumulat ang mata na ito dapat ang gobyerno natin. Ipaglaban natin ito.”

Idineklara din ng aktres na ang kanyang asawa lamang ang makapaglilingkod sa sambayanang Pilipino kasama si VP Leni nang buong puso na may parehong mga pangarap at layunin

Panoorin ang video na ibinahagi ng Rappler via YouTube:

Post a Comment

Previous Post Next Post