Matapos makatanggap ng Silver Play Button mula sa YouTube, ang Lolo Smart Youtuber natin na si Lolo Rodel ay masayang nagbahagi naman ng isa pang memorable na pangyayari sa kanyang FB page.
“An unforgettable day in my life nang makasama po ang inyong lingkod, Lolo Smart, sa taping ng program ni Dok Aga na “Bida Ka Kay Aga” sa NET25. Isang malaking honor to be a part of Bida Ka Kay Aga. Maraming Salamat po. Ating abangan po ito kasama ko kayo …,” aniya kalakip ang tatlong larawan nilang magkasama ng beteranong aktor at host na si Aga Muhlach.
Ang “Bida Kayo Kay Aga” ay isang feel-good reality show na sinimulan ng Net25 nito lamang Marso 2022. Itinatampok ng programa ang mga ordinaryong tao na nagdadamayan at naghahatid ng inspirasyon sa komunidad. Mapapanood ang mga kuwento dito sa Net25 TV, Net25 Facebook page, and Youtube channel.
Bumuhos ang pagbati sa post ni Lolo Rodel Pacis na 67-anyos na ngunit bibo pa rin at masikap sa buhay.
“Congratulations po, Lolo Smart! Super saya ko po for you! Nakakatulong po talaga mga videos niyo. Dahil sa inyo po, naayos namin mga electric fan namin at nakatipid! May more blessings come your way po!”
Kamakailan ay ipinost din ni Lolo Rodel sa kanyang FB wall ang pasasalamat kaugnay sa tagumpay ng kanyang YT channel. Aniya, “Todong HAPPY po kami dito sa unboxing po nito … Sa tatlong tao na may mabuting puso na nag-share ng ating Lolo Smart Channel.”

Ilang tao din ang kanyang pinasasalamatan sa leveling up na nakamit — sina Labambanito Lantican, Ninong Ry, Mayora at mga followers ng Home Buddies. Gayun din sa iba pa na hindi man lahat ay nabanggit ngunit nagpasalamat pa rin siya.
Kamakailan ay nag-viral ang video ni Lolo Rodel kaya naman marami ang nag-subscribe sa kanya.
Ibinibigay ang Silver Play Button kapag naabot ng creator ang 100,000 subscribers. Gold ang kasunod kapag nakamit ang 1,000,000 subscribers. Diamond naman ang mapapasaiyo kapag may 10,000,000 subscribers at Red Diamond naman kapag naka-jackpot ka ng 100M!

Basahin: 67-anyos na Lolo, nagtuturo nang libre sa pag-aayos ng mga sirang appliances at iba pa
Apat na dekada na palang repair man si Lolo Rodel na talaga namang napakasipag at maparaan.
Sa kanyang pahayag sa Philippine Star, dahil marami naman siyang nalalaman lalo na nang panahon ng pandemya at nasa bahay lang ay naisipan niyang ibahagi ang kanyang kaalaman sa pagkukumpuni at gumawa ng sariling YouTube channel. O di ba’t may buti din namang naidulot ang mga pagsubok natin sa buhay?
Bukod pa sa kanyang mga content na pagre-repair ng appliances, ibinahagi rin niya ang kaalaman sa photography at iba pang electronic work.

Ngayon ay may mahigit 180K subscribers na ang YouTube channel niya at hindi lamang ‘yun. Ang kanyang Lolo Rodel FB page naman ay mayroon nang 21K followers na labis na nagpapasaya sa kanya.
“Maraming salamat po sa inyong lahat na sumuporta kay Lolo Smart kaya natanggap ang Silver Play Button,” ang pasasalamat ni Lolo Smart sa kanyang mga subscribers. Masipag rin siyang tumugon sa mga nagkokomento; patunay na pinahahalagahan niya ang mga nagbibigay ng suporta sa kanyang channel.
Marami ang natuwa at bumati sa natanggap ni tatay sa YT at ganoon din sa mga bagong pagkakataon gaya ng pag-guest niya sa “Bida Ka Kay Aga”. Deserve niya ito.
“Congratulations po! and may God continue to Bless you and your family!”

“Congratulations po Lolo, you deserve it po God bless you always po!”
“Deserve mo ang Silver play button Lolo Smart!”
Masaya siya sapagkat suportado siya ng kanyang mga mahal sa buhay; lalo na at nag-eenjoy naman siya sa kanyang ginagawa.
At kung mayroon kang mga katanungan, mayroong segment si Lolo na “MAGTANONG KAY LOLO SMART”.
Lamang ang may alam kaya kung nais n’yong matuto ng ibang mga kaalaman lalo na sa pag-rerepair at kung ano-ano pa, bumisita lamang sa YT channel ni Lolo Smart! Don’t forget to subscribe and don’t skip ads bilang tulong sa kanya!
