Kean Cipriano nag-post ng sweet appreciation kay Chynna, 'Thank you so much'

Si Kean Cipriano ay nagbahagi ng isang sweet appreciation post para sa kanyang asawang si Chynna Ortaleza.

Sa Instagram nitong Sabado, Abril 30, ibinahagi ni Kean ang larawan ni Chynna na seryoso habang nagtatrabaho sa laptop.

“Ang ganda naman ng napakasipag ko na manager. Thank you so much for all your hardwork Madam. Salamat sa pag aaruga mo sakin at sa ibang artists natin,” nakasaad sa post ng aktor.

“Lika na, asawa mode ka naman. Miss na kita eh,” dagdap pa niya na gusto ng lambing.

Naantig at nag-iwan ng komento si Chynna: “Iyak ako? Love you po!”

Pinusuan ito ng followers sa IG at may mga nagkomento. “A reflection of a good home,” reaksyon ng isa.

Basahin: Chynna, Kean ipinagdiwang ang ikaanim na kaarawan ni Stellar

Kamakailan ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang kaarawan ng kanilang panganay na anak na si Stellar.

“Every day is happy with you!” nakasaad sa IG post ni Chynna.

“You are 6! What an amazing journey so far Stellar. We love you so so much. God be with you forever and] always. Happy birthday!” pagbati ni Chynna sa kanyang panganay na anak.

Sa IG ay nagpost rin si Kean ng birthday message sa kanyang anak na may parehong kuhang larawan ni Chynna, “Happy birthday my baby Peanut!! You deserve to be the happiest person in the world. Thank you for letting me grow with you every single day and thank you for showing me what life is truly all about.”

Dagdag pa nito, “Ang dami kong natutunan sa anim na taon na magkasama tayo. Ang dami mong na unlock na mga bagay sa buong pagkatao ko. Salamat sa tunay na ligaya na binibigay mo palagi.

“Sobrang uncertain ng buhay at ng mundo, anak, pero ang sure na sure ako, gusto kitang makasama, alagaan at mahalin araw araw ng buhay ko. I love you sooo sooo much! Dad’s always here for you whatever happens,” pagtatapos ni Kean.

Ikinasal sina Kean at Chynna sa isang civil ceremony noong 2015 at isang church wedding naman noong 2017. Mayroon silang dalawang anak: sina Stellar at Salem.

Post a Comment

Previous Post Next Post