Proud parents to a “baby girl D” na pala ang celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
Marami ang nagulat sa huling bahagi ng kanilang bagong YouTube video na “Nursery Room Tour” dahil napaanak na pala si Jennylyn noong Abril 25. Ipinakita ng mag-asawa sa isang vlog ang ‘di inaasahang pangyayari nang magtungo sila sa ospital para magpa-check-up lang sana ngunit pinili na ng kanilang baby ang maisilang na. 🙂
Nursery Room Tour
Sa vlog ay ibinahagi nina Jennylyn at Dennis ang ipinagawa nilang nursery room para sa kanilang anak na babae.
Ayon kay Jennylyn, mahalagang naka-organize ang mga gamit ng kaniyang baby para madali na lang sa kanila na hanapin ang mga bagay-bagay. Kaya naman nilagyan niya ang mga lagayan ng mga label.

Ipinakita rin ni Jennylyn ang letter D na umano’y initial ng pangalan ng anak nila subalit hindi pa nila sinasabi ang pangalan ni baby. Aniya ay ibabahagi nila ito sa mga susunod pang araw.
Sa huling bahagi naman ng kanilang vlog ay mapapanood ang siningit na eksena. Nakalagay ang petsang Abril 25, magpapa-check-up lang daw sana sila. Aniya, hindi sila ready sa nangyari.
“Check-up lang dapat kami ngayon e, bigla na lang kaming… Bigla na lang eto na. Hindi kami ready,” ani Jennylyn.

Nagpakita rin si Dennis ng isang selfie sa banyo na nakasuot ng scrub suit at head cap, na sinasabing nakararamdam siya ng kaba bago pumunta sa birthing room.
Marami sa kanilang tagahanga ang excited nang masilayan ang anak ng mag-asawa.
“Congratulations mamaw at papaw! excited na kami makita si baby D.”

“Finally meron po kayo ulit vlog ni kuya dennis. So much excited po makita yung room and soon baby niyo po. Have a safe delivery and pray for Normal Delivery. Goodbless always po take care too.”
“Wow! Sobrang cute at ganda po ng Nursery room ni baby D, siguro po Diane/DenJen ang Name nya po sobrang ganda po ng designe around, from room to bath room May Godbless your beautiful family po Idol Dennis and Ms Jennylyn watching from Saudi po.”
Tiyak na maraming nag-aabang sa pagpapakita nila ng kanilang baby girl. Congrats, Dennis at Jennylyn!
Panoorin: