Ice Seguerra kay Liza Diño sa ika-9 nilang anibersaryo: ‘When we got married, all my dreams came true’

Ang singer na si Ice Seguerra ay minarkahan ang ikasiyam na anibersaryo nila ni Liza Diño bilang mag-asawa sa pamamagitan ng pagsulat ng isang taos-pusong liham sa social media.

“9 years ago, you and I decided to seal our love with a commitment ceremony in Las Vegas. Akala kasi natin yun na yun eh. Walang chance for us to really get married,” paggunita ng singer na ibinahagi sa IG.

Pag-amin ni Ice na takot sila na malaman ng publiko na kasal na sila dahil sa kanilang showbiz career na baka maapektuhan noong panahon na iyon.

“Kaso palpak naman tayo sa pagtatago kasi parang bawat galaw natin, may pilipino tayong parati nakakasalubong. Hahaha!!!” natatawa na lamang na paglalahad ng singer.

Na-feel ni Ice – na ngayon ay 38-anyos na – na sila ay “dreamers back then, looking forward to what life will bring”, pagkatapos ng siyam na taon ng kanilang ups and downs, ang mag-asawa ay nakababangon laban sa agos ng pag-iibigan.

“But what’s beautiful is that no matter kung anong ibinigay sa atin ng buhay, ‘yung pangako natin sa isa’t isa na that we will always face life together ay nananatiling totoo,” sabi pa niya. “I love how we continue to find ways to understand and embrace each other.”

Sa ibinahaging sweet message ay nabanggit din nito ang isang linyang awitin ni Ogie Alcasid, ang  “Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito, pangarap ko ang ibigin ka…”

“Mahal na mahal kita, asawa ko. I can never say it enough. Pero hinding hindi magsasawang sabihin yun sa iyo nang paulit ulit,” aniya pa.

Bumuhos naman ang pagbati para sa dalawa.

Noong 2014, ikinasal ang mag-asawa sa San Francisco, California, at pagkatapos ay ikinasal muli sa isang “symbolic wedding” sa Batangas noong 2015.

Basahin: Ice Seguerra naispatan ang kaniyang ina na nagkomento sa isang FB post kaugnay sa ‘ex’

 

Post a Comment

Previous Post Next Post