Anak ni Loren Legarda, dismayado dahil sa pagtakbo ng ina sa ilalim ng UniTeam; 'A woman who lived through Martial Law'

Sa isang bukas na liham na inilathala ng Rappler, ang anak ng senatorial aspirant na si Loren Legarda ay nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa desisyon ng kanyang ina na tumakbo sa senado sa ilalim ng UniTeam slate.

Hindi nagpaligoy-ligoy si Lorenzo Antonmio Legarda Leviste sa pagsasalaysay ng mga pangyayari kung bakit itinuturing niyang “unthinkable, unconscionable, unforgivable” ang ginawa ng kanyang ina.

Halos hindi umano siya makapaniwala sa ginawa ng ina dahil ito raw mismo ang nagturo sa kaniya na pahalagahan ang katotohanan at hustisya. Sinabi niyang ang kanyang ina ay, “a woman who lived through Martial Law; she was once a journalist who taught me to value truth and justice.”

Sinabi niya na para sa kanyang ina, “it is just any other election year, ripe for the usual craven, convenient opportunism.”

“There is no understanding that another Marcos presidency would mean the end of everything for the Philippines. The end of history, ang hangganan ng kasaysayan,” aniya.

“I was born in 1990, in the shadow of decades of Marcos terror, oppression, and corruption. I truly cannot believe the success with which these crimes have been whitewashed. I feel like the rug has been pulled out from under me.”

Para kay Lorenzo, ang kanyang ina na tumatakbo sa ilalim ng UniTeam na pinangungunahan nina Bongbong Marcos at Sara Duterte ay isang pagdura sa mukha – “spit in the faces” – ng libu-libong tao na ang buhay ay sinira umano ng mga Marcos at ng mga Duterte.

Kabilang ang milyun-milyong tao na ngayon ay nakikipaglaban sa mga front line para pigilan sila.

Ayon sa Manila Standard, si Loren ay kabilang sa dalawang nangungunang puwesto sa mga survey para sa mga kandidato sa pagkasenador kasama si Raffy Tulfo; isa pang malakas na kalaban na tumatakbo bilang isang Independent.

Iniulat din ng Inquirer na nakuha ni Legarda ang suporta ng One Bangsamoro Movement.

Samantala, ang buong open letter ni Lorenzo ay mababasa sa Rappler.

Samantala, marami ang nabigla sa mensahe ng open letter. Anuman ang usapin sa pamilya, ayon sa netizens ay mas nararapat na ito ay pag-usapan sa tahanan at hindi ibandera sa mundo.

Sa social media ay hindi naglabas ng tugon o reaksyon si Legarda sa open letter ng anak, ngunit may Facebook ay patuloy itong nagbabahagi ng mga kaganapan sa kanyang advocacy at mga gawain.

Nitong May 4, ibinahagi niya iang kanyang panawagan sa mga kapwa kandidato.  “Regardless of our parties and colors, we all agree that we need to save our planet – and I hope that we all campaign just as hard for our climate. I urge once again my fellow candidates to also highlight their environmental platforms and offer long-term solutions for a more sustainable planet for us and the future generations to come. Climate Change Commission PH”.

#1 sa Pulso ng Pilipino
“Isang taos pusong pasasalamat pong muli sa walang humpay ninyong suporta. Sama-sama po nating ipagpatuloy ang pagsulong ng mga makabuluhang batas para sa pag-ahon ng bawat Pilipino.
Maraming, maraming salamat po!  #40LorenLegarda”.
Ito’y matapos niyang manguna sa survey na ginawa mula April 4-15, 2022.

Post a Comment

Previous Post Next Post