Nagpahayag si Vice Ganda sa kaniyang Instagram nitong Mayo 5 ng tila mensahe niya patungkol sa kaniyang mga haters.
“Haters hate the people they can’t be and the things they can’t have,” aniya.
Nai-post niya ito matapos ang umano’y akusasyon sa kanya ni Cristy Fermin.
“Hindi mo pa diniretso, pinatagilid mo pa samantalang kargado naman ‘yung mga mensahe mo,” ani Cristy.
“Duwag nga siya e, bakit hindi mo pinangalanan? Natatakot ka? E ‘di lalong kahiya-hiya itong nangyari ngayon, ang umalsa mga kababayan natin hindi si Juliana.”

“Alam mo ito, pagka-pinagbasehan natin itong isyu na ito, isa lang ang kahulugan nito. Bastos si Vice Ganda, natatakot si Vice Ganda na baka isang araw, may lumampas sa kanya,” maaanghang na pahayag ni Cristy kay Vice Ganda.
Sinasabing patungkol naman ito sa nasabi ni Vice kaugnay sa isang hindi pinangalanang personalidad na aniya ay isa na ngayong internet troll.

“May kilala rin akong ganito. Hindi naman siya toxic sa totoong buhay pero basher siya sa social media. Ta’s nalaman ko kasi troll siya. Trabaho kasi, wala siyang pera e. So ‘yun ‘yung epekto, ginawa niya ‘yun, kumapit siya ‘dun, kahit mali kasi kailangan niya ng pera,” pahayag ni Vice noong Abril 6 sa isang segment ng It’s Showtime.
Sinabi pa ni Cristy na hindi umano pumapayag si Vice na may makalampas sa kaniya.
“At saka si Vice Ganda ang klase ng sumikat na personalidad. Hindi siya papayag na may umabante kaysa sa kaniya, hindi siya papayag na may mas malaking artistang tulad niya na ipanganak. Kumbaga sa paghahalaman bobonsahin niya lahat para wala siyang makatapat.”

Ayon pa kay Cristy, marami umanong pagkakataon na binabastos ni Vice ang kaniyang mga kakontra.
“Maraming makaka-testify, maraming maraming artistang hindi lang makapagsalita. Pero ganun na lang kung bastusin ni Vice Ganda. Pana-panahon lang ‘yan”
Basahin: Vice ikinuwento ang kakilala niyang naging troll; Juliana umalma sa blind item?
Panoorin ang video sa 14:51.